LUNGSOD NG SORSOGON, April 30 (PIA) – Pabor si Sorsogon Bishop Arturo M. Bastes na muling buhayin sa darating na halalan 2013 ang two-party system.
Ayon kay Bastes, mas magandang at mainam
ang two-party system dahil hindi
naito tutuon sa personalidad lamang ng mga kandidato kundi mapag-aaralan ng mga
botante ang prinsipyo ng partido dahil nakatuon na rin sa idelohiya ang
gagawing pagpili.
Dagdag pa ng Obispo na malaki ang bentahe
ng ganitong sistema sapagkat malalaman ng mga botante ang mga plata porma ng
bawat partido. Aniya, nais niyang muling buhayin ang pagdodomina ng dalawang
malalaking partido noon tulad ng Liberal
Party at Nacionalista Party
sapagkat kung maraming mga partidong maglalaban-laban, malilito ang mga botante
kung ano ang katotohanan sa mga plata-pormang inilalatag.
Ayon pa sa kanya, mas nakakalito ang
maraming partido na kung pag-aaralang mabuti ay iisa lang din ang adhikain at
ninanais na mangyari sa bansa at sa mga mamamayan nito.
Binigyang-diin din ni Bastes na ang
ginagawa niyang pahayag ay hindi pamumulitika kundi dapat lamang umanong
magabayan nang tama ang mga mamamayan kaugnay ng tamang pagpili ng mga
kandidato ayon sa kapasidad mamuno ng mga kandidato at sa konsensya ng mga
botante at hindi dahil sa anupamang mga materyal na bagay. (SGuardian/PIA
Sorsogon)
No comments:
Post a Comment