Ni: Bennie A. Recebido
LUNGSOD NG SORSOGON, Hulyo 10 (PIA) – Sa
pagdiriwang ngayong taon ng National Disaster Consciousness Month, nakatuon ang
Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRMC) sa pagbibigay
ng mas malalalim pang mga pagsasanay at kahandaan nang sa gayon ay matiyak na
“ligtas ang bayan at maunlad ang mga pamayanan”.
Matatandaang sa pagbubukas ng pagdiriwang noong
Hunyo 2, 2012, nagkaroon ng banal na misa kung saan binigyang-diin ni Monsignor
Augusto Laban sa kanyang homiliya ang kahalagahan ng pagiging ligtas ng isang
bansa sa anumang panganib. Aniya, kung ligtas ang bansa, lahat kaayusan ay
susunod na lamang, at tiyak makakamtan ang kapayapaan at kaunlaran ng bawat
isa.
Sinundan ang banal na misa ng isang
motorcade sa kahabaan ng pangunahing lansangan ng lungsod ng Sorsogon upang
pukawin pa ang kmalayan ng publiko kaugnay ng obserbasyon ng National Disaster Consciousness
Month ngayong buwan.
Sinimulan na rin noong Sabado ang
pagpapalabas ng mga pelikulang may kaugnayan sa pag-iwas sa mga panganib dala
ng pagbabago ng panahon at kalamidad at kung anu-anong mga ahensya ng
pamahalaan at organisasyon ang maaring malapitan sa panahon ng kagipitan dala
ng kalamidad. Ang palabas ay nakaiskedyul tuwing Sabado sa buong Hulyo sa
Capitol Park, alas-sais y medya ng gabi.
Samantala, sa ikalawang regular na
pagpupulong ng PDRRMC, binigyang-linaw din at naging makabuluhan ang ginawang
paglalahad ng mga suhestyon at rekomendasyon ng lokal na media matapos ang
naganap na Disaster Risk Reduction-Climate Change
Adaptation (DRR-CAA) Orientation para sa mga lokal na mamamahayag ng Sorsogon
noong Hunyo 8 at 9, 2012, kung saan inaasahang higit pang makakatulong ito upang
epektibong maipaabot sa publiko ang mga mahahalagang impormasyon kaugnay ng
pagbabago ng panahon at tamang pamamahala ng sarili sa panahong bago maganap,
habang nagaganap at matapos maganap ang kalamidad.
Ayon kay
Sorsogon Provincial Disaster Risk Management Office (SPDRMO) Chief Engr. Raden
D. Dimaano, sisimulan ngayon ang tatlong araw na DRR-CCA orientation para sa
mga provincial department head at kanilang assistant alinsunod sa itinatalaga
ng batas. Aniya, alinsunod sa RA 10121, Rule 10 Sec. 14, ang lahat ng mga
pampublikong manggagawa ay dapat na sumailalim sa emergency response and
preparedness training.
Samantala,
nakatakda ring magsagawa ang Department of Science and Technology (DOST) sa pamamagitan ng PAGASA sa
pakikipagtulungan sa PDRRMC ng disaster awareness and risk reduction
Information and Education Campaign (IEC) sa publiko sa darating na Biyernes,
ika-13 ng Hulyo, 2012, sa Provincial Training Hall, Sorsogon City.
Kasabay din
nito ang pagsasailalim sa mga kasapi ng Provincial, Municipal at City DRRMC sa
isang araw na seminar-workshop kaugnay ng paggamit ng ng mga datos mula sa
Automatic Weather Station (AWS) bilang pagpapaigting pa ng kasanayan kaugnay ng
posibilidad ng pagbaha at pagtataya ng panahon. (BARecebido, PIA
Sorsogon/VLabalan, PIO-SPDRMO)
No comments:
Post a Comment