Wednesday, April 13, 2011

Motorist assistance center at special operation team ng PNP muling binuhay


Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, April 13 (PIA) – Sinimulan na ngayong linggo ng Philippine National Police ang pagpapatupad sa direktibang ipinalabas ni PNP police provincial director PSSupt Heriberto Olitoquit kung saan muli nilang binuhay ang PNP motorist assistance center at pagpapakalat ng mga special operation team sa mga matataong lugar.

Sinabi ni Olitoquit na inatasan na niya ang mga chief of police sa buong lalawigan at Provincial Public Safety Company na magsagawa ng mga pagroronda at check-point.

Bahagi din aniya ng kanilang Oplan Semana Santa ang pagpapaigting ng police visibility sa mga well-populated areas tulad ng simbahan, resorts, beaches at tourist destinations.

Maging ang mga bus terminal at malalaking pantalan dito ay may mga nakadeploy na ring special operation team ng PNP.

Layunin nitong maiwasan ang mga krimen tulad ng snatching, pandurukot at salisi operation lalo na sa mga matatao at pampublikong lugar o makapambiktima ng mga turista at bakasyunista. (PIA Sorsogon)

No comments: