Ni: Bennie A. Recebido
Sorsogon City, April 6 (PIA) – Mula nang i-lift ang total shellfish ban sa Sorsogon noong March 21, 2011 dahilan sa pagiging red tide free ng Juag Lagoon sa Matnog at Sorsogon Bay sa Sorsogon ay nananatili pa ring ligtas sa paralytic shellfish poisoning ang mga lamang-dagat dito hanggang sa kasalukuyan kung kaya’t walang dapat na ikabahala ang mga nakadepende sa shellfish industry dito.
Subalit sa ginawang latest monitoring sa public market ng Sorsogon City, mangilan-ngilan lamang ang nagbebenta ng shellfish dito at halos ay wala ding nakikitang tahong sa mga pamilihan.
Ayon sa mga tindera ng shellfish, sa tagal ng inilagi ng red tide, hindi na rin nakapagtanim pa ng shellfish ang mga magtatahong dito at ito ang tinitingnang dahilan kung bakit madalang o halos ay walang nakikitang ibinebentang tahong sa mga lokal na pamahilihan dito.
Kadalasang makikita at mabibili na lamang dito ay ang badoy, talaba at baloko. Dalangin naman ng mga nakadepende sa shellfish industry dito na nawa’y magtagal pa ang pagiging red tide free ng Sorsogon Bay nang sa gayon ay tuluyang mabuhay na muli ang industriya ng tahong industry kung saan dating sikat at dinarayo ang Sorsogon. (PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment