Wednesday, April 13, 2011

UNWFP, EMI, nagsagawa ng Capacity Needs Assessment para sa Disaster Preparedness and Response


UNWFP, EMI, nagsagawa ng Capacity Needs Assessment para sa Disaster Preparedness and Response
Ni: Bennie A. Recebido

Sorsogon City, April 5 (PIA) – Matapos ang isinagawang workshop kamakailan para sa mga kasapi ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council, isinunod ng United Nations World Food Programme-Philippines (UNWFP) Earthquake sa pamamagitan ng Megacities Initiative Incorporated (EMI) ang pagtatasa sa dalawang bayan sa lalawigan na kunsideradong pinakalantad sa iba’t-ibang mga uri ng panganib.

Ayon kay Sorsogon Provincial Disaster Risk Management Office PIO Von Labalan, layunin ng pagtatasa o assessment na maisa-chart ang mga capacity development activities na nagawa na, matukoy ang mga kakulangan at makapagbigay ng mga tiyak na intervention upang mabawasan ang kahinanaan ng mga komunidad na ito sa tuwing may kalamidad.

Ang Juban at Irosin ang dalawang bayan sa Sorsogon na tinukoy ng PDRRMC bilang mga potential sites para sa gagawing municipal assessment na ito base na rin sa kanilang multi-hazard exposure at income classification.

Ayon pa kay Labalan, ang Juban at Irosin ang laging natatamaan at partikular na naaapektuhan ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda dito sa tuwing nag-aalburuto ang Mt. Bulusan.

Tuwing maulan naman ay nalulubog sa lahar flows ang mga gully sa bayan ng Irosin na kadalasang dumadaloy at nakaaapekto sa sa mga mabababang barangay nito.

Catch basin naman ang bayan ng Juban ng mga sobrang tubig at lahar mula sa Irosin na dumadaloy patungong Cadac-an River at dinadala naman ang lahar patungo sa bunganga ng Sorsogon Bay kung saan natitipon ito doon at kinakailangang hukayin.

Ang mga bayan ng Irosin at Juban ay mga 3rd at 4th class municipalities kung saan sa tuwing mag-aalburuto ang bulkang Bulusan ay nagbibigay ng matinding epekto sa ekonomiya at pagsulong ng nasabing mga lugar. (PIA Sorsogon)


No comments: