Friday, May 4, 2012

Bulusan Volcano Alert Level 1 status lowered


By: Bennie A. Recebido

SORSOGON PROVINCE, May 4 – Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) has finally lowered the alert level status of Mt. Bulusan from Alert level 1 or abnormal to Alert Level 0 or normal. This means that no eruption is foreseen in the immediate future.

Phivolcs Bulusan Volcano Observatory resident volcanologist Crispulo Diolata said that the lowering of the alert level status as stated in Bulusan Volcano Bulletin dated April 24, 2012, was due the overall decline of the monitoring parameters after the volcano’s last phreatic (steam-driven) eruption on May 13, 2011 as supported by the following observations:

(1) The frequency of volcanic earthquake occurrences has declined to baseline levels (0-2 events/day), indicating quiescence in the magmatic or hydrothermal system. Short-lived swarms (9-21 events/day) on 25 May, 10 August, 11 September and December of 2011, and 22 January of 2012, have been ascribed to crustal readjustments in the volcanic edifice after the May 2011 phreatic eruption.

(2) Results of precise leveling at both Inlagadian line on the north-northeastern slope and Mapaso line on the south-southeastern slope indicate that the volcano edifice has deflated since late November 2011. This suggests that no substantial pressure source in the subsurface, which could potentially trigger another eruption, can be detected.

(3) Steaming activity from the crater and known thermal vents has been frequently weak or wispy compared to the more moderate steam emissions during periods of unrest.

He also said that the bulletin issued on April 24, 2012 will be the last bulletin to be issued for Bulusan Volcano until new developments in monitoring parameters occur.

Meanwhile, in the light of the declaration, Diolata still remind the public to avoid entry into the 4-kilometer Permanent Danger Zone (PDZ) due to the perennial threat of sudden phreatic eruptions and rockfalls on the upper slopes. Furthermore, people living in valleys and along active river channels are cautioned to remain vigilant against sediment-laden streamflows and lahars in the event of heavy and prolonged rainfall.

Ha also said that tourists and mountain climbing enthusiasts are allowed to climb Mt. Bulusan, however, cautioned them to take extra caution against rock falls especially this time that there are barren spots along the mountain’s slope. (BARecebido, PIA Sorsogon)

Mt. Bulusan in Sorsogon

Mt. Bulusan balik na sa normal na kondisyon


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, May 4 (PIA) – Magandang balita sa mga residenteng malapit sa Bulkang Bulusan at sa mga mahihilig umakyat sa mga bundok ang hatid ng pagkakaalis ng alert level 1 status at pagbalik sa normal na kondisyon ng nasabing bulkan.

Ayon kay Phivolcs – Bulusan Volcano Observatory Resident Volcanologist Crispulo Diolata, tuluyan nang ibinaba ng Phivolcs sa Alert Level 0 (zero) o normal level ang Mt. Bulusan mula sa dating Alert Level 1 o abnormal level nito noong ika-24 ng Abril ngayong taon.

Aniya, ibinalik na sa normal ang kondisyon ng Bulkang Bulusan dahilan sa halos ay wala nang makitang abnormalidad sa mga naging aktibidad nito matapos ang huling pagbuga ng abo nito noong ika-13 ng Mayo, 2011.

Ayon pa kay Diolata, mula nang makapagbuga ito ng abo noong nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan ay patuloy na bumaba ang mga pagyanig nito kung saan umaabot na lamang sa dalawa ang naitala nila habang may mga araw na halos ay wala nang mga pagyanig na naganap na nangangahulugang tahimik na ang bulkan.

Maging ang ilang bahagi sa gulod ng bulkan patungong Inlagadian sa Casiguran at Mapaso sa Irosin na nagsisilbing indikasyon ng muling pagputok ng bulkan ay wala na ring nakitang mga pagbabago. 

Ngunit sa kabila ng wala na silang nakikitang mga indikasyong muling magbubuga o puputok ang bulkan, nananatili pa rin umano ang kanilang abiso sa publiko na iwasan ang pagpasok sa 4-km Permanent Danger Zone (PDZ) dahilan sa mga panganib ng biglaang pagbuga ng abo at pagbagsak ng mga bato mula sa itaas na bahagi ng bulkan.

Dagdag din ng opisyal na mag-ingat din at maging alerto yaong mga nakatira malapit sa ilog at aktibong daluyan ng tubig mula sa mga ilog dahilan sa posibilidad ng pagdaloy pa ng mga nakaimbak na lahar lalo na sa panahong nagkakaroon ng mahahabang pag-uulan.

Ayon naman sa Department of Science and Technology-Philippine Volcanology and Seismology (DOST-Phivolcs) ang bulletin na ipinalabas nila noong Abril 24, 2012 ang magsisilbing pinakahuling Bulusan Volcano bulletin na ipapalabas nila hanggang sa wala pang bagong mga kaganapang naitatala ang kanilang tanggapan ukol sa aktibidad ng Mt. Bulusan. (BARecebido, PIA Sorsogon)

Thursday, May 3, 2012

PhilHealth Bicol offers members 50% discount on premium contribution


By Marlon A. Loterte

LEGAZPI CITY, May 2 – The Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) in the Bicol region reminds individual- paying members to avail of the 50 percent discount on their annual premium contribution.

In line with the increase in premium contributions set to start by July this year, that requires individual- paying members with average monthly income of P25,000 to pay an annual premium contribution of P2, 400, the 50 percent discount is a way to save and minimize the impact of the increase, said PhilHealth V Information Officer Paulette Santiago.

The discount can be availed by members who will pay their whole year premium contribution within January to June this year.

Santiago said the discount applies to premium contribution not only for this year but also for 2013.

“They can also pay in advance for their 2013 premium contribution. With the discount, they can only pay P1, 200 per year instead of P2, 400,” she added.
The 50 % discount can also be availed by newly registered Philhealth members, provided that they pay their contributions before July 1, the day when the new premium will take effect.

“Some members might be apprehensive to avail of the discount but it’s one way for them to save that certain amount. With the contribution made in advance they will be also saved from being bothered by payment deadlines,” said Santiago.  (MALoterte, PIA V)

BFP Sorsogon inilatag ang kanilang 5-yr Development Plan


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, May 3 (PIA) – Upang mapataas pa ang antas ng serbisyong ibinibigay ng Bureau of Fire Protection (BFP), inilatag ni Provincial Fire Marshal CInsp Achilles Santiago ang ilang mga pag-aaral at suhestyon upang matugunan ito sa ilalim ng kanilang 5-yr (2012-2016) Development Plan.

Aniya, kabilang sa mga dapat pagtuunang-pansin ay ang personnel, financial at operational resources, water sources at support groups.

Ayon kay Santiago, sa bahagi ng kanilang personnel resources, nais ng kanilang tanggapan na makamit ang tamang bilang ng mga bumberong makatutugon sa pangangailangan ng populasyon ng lalawigan. Aniya, sa kasalukuyan, ang isang bumbero ay may 2,000 populasyong dapat bantayan at respondehan.

Sa Sorsogon, 133 na mga tauhan ng BFP ang sa ngayon ay nakakalat sa iba’t-ibang mga fire station at aabot pa umano sa 197 na bilang ng tauhan ang kailangan upang maging ideal para sa “one (1) fireman is to 2,000 population ratio” at maibigay ang “hundred percent excellent performance” ng BFP.

Dapat din umanong mapataas ang antas ng educational criterion ng BFP bilang tugon sa R.A. 9592 sa pamamagitan ng pagpapaigting ng pakikipag-ugnayan sa mga paaralang nagbibigay ng Expanded Accreditation Tertiary Educational Programme, at sa pamamagitan ng paghikayat sa mga tauhan ng BFP na samantalahin ang mga local scholarship program ng mga ahensya ng pamahalaan at non-government organization.

Dagdag pa niyang dapat na pataasin ang kasanayan at kaalaman ng mga bumbero sa pamamagitan ng pagsasailalim sa mga mandatory exercises at espesyal na mga kursong ibinibigay ng Fire National Training Institute.

Sa panig ng operational resources, pinagsisikapan umano nilang maayos at makumpleto ang kanilang mga fire suppression tool, pagtatatag ng fire suppression team, pag-aayos ng mga fire station, pagkakaroon ng kaukulang bilang ng fire truck at ambulance, pagkakaroon ng kahit man lang isang yunit ng base radio at dalawang handheld radio sa bawat fire truck at dalawang self-contained breathing apparatus. Sa Sorsogon, pitong firetruck na kumpleto sa kagamitan ang kailangan pa upang maserbisyuhan nang maayos ang kasalukuyang populasyon ng lalawigan.

Ayon pa kay Santiago dapat ding maisa-alang-alang ang tamang budget para sa BFP upang matugunan ang administrative at operational activitiy ng mga fire stations. Kabilang na umano dito ang office supplies, preventive maintenance, petrolyo at computer equipment.

Sinabi pa ni Santiago na napakahalaga rin na madagdagan ang mga water source tulad ng fire hydrant sa lungsod at sa labing-apat na munisipyo dito sa pakikipag-ugnayan sa local water district at ipinanawagan din nito ang tamang pangangalaga sa mga likas na yamang nagbibigay ng natural na suplay ng tubig tulad ng ilog at mga sapa.

Binigyang-diin din niya na mahalaga ang suporta mula sa iba’t-ibang mga ahensya at grupo sa pamamagitan ng pagtatasa at pagrerebisa ng mga Memorandum of Agreement (MOAs) at pagtatatag ng mga Community-Based Fire Protection Programme sa mga paaralan at opisyal sa barangay at maging sa mga NGO sa pamamagitan naman ng pagbubuo ng mga Community Volunteer Fire Brigade. (BARecebido, PIA Sorsogon)


Wednesday, May 2, 2012

SEAGRASS benepisyaryo ng mga programa ng BFAR, CENRO at City LGU


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, May 2 (PIA) – Iba’t-ibang mga proyekto ng pamahalaang lokal at nasyunal ang pinakikinabangan na at pakikinabangan pa ng mga kasapi ng Seaweed Grower and Aquaculture Association of Sorsogon, Inc. (SEAGRASS) sa Brgy. Gimaloto, lungsod ng Sorsogon.

Ang SEAGRASS ay isang people’s organization na binubuo ng mga mangingisda at magsasaka ng Brgy. Gimaloto sa kanlurang distrito ng lungsod ng Sorsogon.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Sorsogon Provincial Fishery Officer Gil Ramos, kasalukuyang benepisyaryo ang SEAGRASS ng aquasilvi culture project na bigay ng BFAR tulad ng sakahan ng gulaman at produksyon ng tahong. Ang proyekto ay nagkakahalaga umano ng P150,000 at bago matapos ang buwan ng Mayo ay aanihin na ang mga produktong galing dito.

Dagdag pa ni Ramos na nagtayo din ng “hilay”ang BFAR, isang lugar pangitlugan at tirahan ng mga isda, na magbibigay din ng proteksyon laban sa mga ilegal na aktibidad sa karagatan. Nagbigay din umano sa SEAGRASS ang BFAR ng isang 6.5 horse power na bangkang de motor at bahay kubo upang magamit ng organisasyon at mga kasapi nito.

Samantala, ayon naman kay Community Environment and Natural Reources (CENR) Officer Krisanta Marlene P. Rodriguez, sa pakikipag-uganayan ng CENRO sa City Agriculture Office kaugnay ng ipinatutupad na National Greening Program ng pamahalaang nasyunal, ang SEAGRASS din ang napiling magiging benepisyaryo ng 100 ektaryang mangrove site sa Brgy. Gimaloto.

Aniya, ang SEAGRASS ang magiging tagapangalaga at tagabantay ng nasabing mangrove site sa loob ng 25 taon matapos ang pirmahan ng Memorandum of Agreement (MOA).

Ayon kay SEAGRASS president Redentor Lasay, ang 100 ektaryang lupain ay kasalukuyang natataniman na ng iba’t-ibang mga mangrove species tulad ng bakhaw, pagatpat, miyapi, lapis-lapis, nipa, at iba pa.

Kasama umano sa inisyal na napagkasunduan na ang SEAGRASS ang siyang mangangasiwa sa pangangalaga at pagpapaunlad pa ng lugar. Maaari din umano silang makabenepisyo sa mga itatanim na puno ng bakawan kung saan papayagan ang mga kasapi na kumuha ng sanga ng bakawan at nipa at iba pang ani mula sa aquasilvi culture project sa ilalim ng patnubay ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng BFAR.

Dagdag pa nito na nakatakda na rin umanong magsagawa ng assessment at survey ang BFAR at CENRO ngayong linggo upang matukoy ang uri ng bakawan na maaaring itanim sa lugar.

Ang mga propagules na itatanim sa lugar ay bibilhin na rin mula mismo sa mga kasapi ng SEAGRASS, sila na rin ang magtatanim, susubaybay at mag-aalaga hanggang sa lumaki ang mga ito sa loob ng anim na buwan.

Sinabi naman ni City Agriculturist Adeline Detera nakatakda ring magtayo sa Brgy. Gimaloto ang City Agriculture Office ng isang ektaryang Mangro-vetum, isang nursery ng mangrove propagule upang matustusan ang nasabing mangrove project at upang maipakita din sa publiko ang iba’t-ibang mga uri ng mangrove sa species na matatagpuan dito. (BARecebido, PIA Sorsogon)



REEF GUIDES

Reef guides gear up for the Reef Adventure, an eco-tourism based project of Samahang Mangingisda ng Puro-Sinalikway (SAMAPUSI) in Buntod Marine Sanctuary in Brgy. Nursery, Masbate City. A study of Abner Bucol (2011) shows that Buntod Marine Sanctuary, ranks second as Philippines most resilient coral reef area. (Photo by CHANDYLLANE CANTRE, DENR/PIA Sorsogon)