Monday, January 20, 2014

NGCP Advisory on Power Interruption

Scheduled power interruption in parts of  SORSOGON

The National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) serves notice of the scheduled shutdown of the following transmission facilities:

Date:          21 January  2014              
Time:         8:00AM – 5:00PM
                                    
Affected Distribution Utility: *  SORSOGON ELECTRIC COOPERATIVE 2 ( SORECO 2)

Reason:  Commissioning and energization of primary metering system at Balogo load-end substation.
Normal operations will immediately resume after work completion. NGCP customers and the general public are advised to take necessary preparations and precautions for this scheduled interruption.

CSC muling pipili ng Pinakamahusay na Lingkod Bayan ngayong taon

Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 20 (PIA) – Muli na namang pipili ang Civivl Service Commission (CSC) ng pinakamahusay na Lingkod Bayan para sa taong 2014.

Ayon kay CSC Provincial Director Arpon Lucero, muling maghahanap ang Civil Service Commission ng pinakamahusay na pampublikong opisyal at manggagawa para sa taong kasalukuyan kung kaya’t isang orientation-briefing ang isasagawa mamayang hapon sa pangunguna ng Civil Service Commission Regional Office 5.

Layunin ng aktibidad na maikalat sa publiko ang mga kailangang pamamaraan nang sa gayon ay mahikayat ang mga kwalipikadong pampublikong opisyal at manggagawa na lumahok sa 2014 Search for Outstanding Public Officials and Employees ng CSC.

Matatandaang alinsunod sa mandato ng 1987 Philippine Constitution, nakassad sa  Executive Order 292 at Executive Order 508 na inamyendahan ng Executive Order 77 at ng Republic Act 6713, ang Civil Service Commission ang naatasang maghanap ng mga natatanging lingkod bayan na  bibigyang parangal sa pamamagitan ng Phil. Honor Awards Program (HAP) ng CSC.

Ayon kay Dir. Lucero, nais nilang mas maagang maipakalat sa publiko ang mga pamamaraan kung papaanong magnomina o maging nominado bilang isang mahusay na lingkod bayan nang sa gayon ay makapaghanda ang mga ito para sa nasabing Honor and Awards Program ng CSC.

Dagdag pa ni Dir. Lucero na sa gagawing orientation-briefing, magbibigay din sila ng mga flyers, babasahin at iba pang mga campaign material upang mas marami ang makaalam sa mechanics na kailangan para sa nasabing search.


Umaasa naman si Dir Lucero na may mga Sorsoganon na lalahok sa gagawing search ng CSC ngayong taon. (BARecebido, PIA-5/Sorsogon)

Maayos na serbisyo ng kuryente para sa mga Sorsogonanon, hamon sa PCCI

Atty. Loida Nicolas-Lewis
Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Enero 20 (PIA) – Hamon para sa mga opisyal at kasapi ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang mga binitwang salita ng isa sa mga pinakama-impluwensyang babae at negosyante sa buong mundo.

Sa isinagawang induction ceremony ng mga bagong opisyal at kasapi ng PCCI na ginawa kamakailan dito, sinabi ni Atty. Loida Nicolas-Lewis na dapat na magkaisang kumilos ang PCCI upang matuldukan na ang hindi makatarungang gawain ng Sorsogon II Electric Cooperative (Soreco 2) tulad ng napakataas na singil sa kuryente at hindi maayos na serbisyo nito.

Ayon kay Atty. Lewis, pinupuri niya ang naging hakbang ni Sorsogon City Mayor Sally A. Lee na pagpapababa ng singil sa buwis, subalit siya namang pagtaas ng halos dobleng singil sa kuryente kung kaya’t hindi pa rin maramdaman ng mga kunsumidor ang magandang bunga ng pagbaba ng buwis.

Kung kaya’t panahon na umano upang magkaisang kumilos ang PCCI at magdala ng pagbabago sa kooperatiba sa pamamagitan ng masusing pag-aaral sa constitution and by-laws ng Soreco II at paglalagay ng kinatawan bilang kasapi ng Board of Directors.

Sinabi din niyang hindi dapat na matakot ang mga ito na magdala ng pagbabago sa kooperatiba sapagkat bilang mga Sorsoganon at Pilipino, marapat lamang na gawin kung ano ang tama.

Hindi rin umano makakahikayat ng mga negosyante na magtayo ng negosyo dito ang mataas na singil sa kuryente at mahihirapan ang lungsod at ang lalawigan na paunlarin pa ang eco-tourism development program na isinusulong ng lokal na pamahalaan.

Kung kaya’t dapat na umanong kumilos ang PCCI sapagkat nasa mga kamay nito ang solusyon, dapat umanong magkaisa ang mga ito na labanan ang katiwalian, pang-aabuso, korapsyon at nepotismo sa isang organisasyon at komunidad. (BARecebido, PIA-5/Sorsogon)