Wednesday, October 31, 2012

BFP SORSOGON CITY ON ALERT FOR “OPLAN KALULUWA”



SORSOGON CITY, October 31 (PIA) - The Bureau of Fire Protection Sorsogon City spearheaded by SInsp Walter Badong Marcial will deploy three (3) fire trucks near cemeteries of Bacon District and Sorsogon City proper in preparation for the observance of All Saint and All Soul’s Day tomorrow, Nov. 1 and on Friday, No. 2.

“As part of our yearly activities, we deploy our fire trucks and personnel to render assistance in case the public needs our help,” SInsp Marcial said as they geared up for the said activity dubbed as “OPLAN KALULUWA”.

It can be recalled that during this season, the influx of people going to cemetery is at its peak during Nov. 1 to pay visit and pray for the souls of their departed loved ones. Considering the increasing number of people during this time, chances of any untoward incidents are foreseen.

“In this time of year, it is anticipated that accidents are prone to happen in the cemetery as well as at home, where some who cannot go to the cemetery prefer to light candles for their loved ones,” SInsp Marcial stated as he further reminded the public to be more cautious and vigilant to avoid fire incidents and other related emergency cases due to negligence.

Prior to the implementation of the “Oplan Kaluluwa”, SInsp Marcial also gathered his men for a meeting to iron out operational guidelines to be implemented by his personnel to ensure the safety of the public during this time.

He also ordered the deployment of fire trucks and fireman visibility within the Sorsogon City cemeteries particularly at Sorsogon City Memorial Garden located at Brgy. Bibincahan, Msgr. Barlin Street in Brgy. Sampaloc and Bacon Catholic Cemetery in West Bulod, Bacon District.

Along with this, the personnel from Fire Safety Enforcement Section will also conduct information drive in which leaflets entailing fire safety tips will be disseminated to the people in the area to prevent the potential fire incidents to occur thus upholding fire safety among the public.

One of the mandated functions of the BFP is to render immediate assistance to all persons who are in need of helping in case of emergency. Thus, the BFP persistently appeals for the cooperation of the public to ensure the safety of everyone. (MGECorral, BFP/BARecebido, PIA Sorsogon)

Panawagan ng Comelec: “Last Hour Attitude” ng mga Pilipino baguhin na



Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Oktubre 31 (PIA) – Sa kabila ng dalawang taong panahong itinakda ng Comission on Elections (Comelec) para sa Continuing Voter’s Registration at Validation, dagsa pa rin ngayong huling araw sa tanggapan ng Comelec ang mga botanteng nais magparehistro para sa 2013 midterm elections.

Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Calixto Aquino, Jr., ang nakagawiang “last hour attitude” at “manana habit” ng mga Pilipino ang nais na baguhin ngayon ng Comelec kung kaya’t determinado silang sundin ang itinakdang panahon ng voter’s registration at validation, at huwag nang magbigay pa ng anumang extension ito.

Aniya, isasara na ang pagtanggap ng mga botanteng magpaparehistro alas singko ng hapon mamaya. Sinabi ng opisyal na sa ipinalabas nilang guidelines, kung mahaba pa ang pila, alas tres ng hapon ay ililista ng assistant colemec supervisor ang pangalan ng mga magpaparehistro at tatawagin ito ng tatlong beses, sakaling wala sila sa loob ng tanggapan ng Comelec ay hindi na ito bibigyan pa ng pagkakataong makapagparehistro.

Kahit pa umano nakapagsumite na ito ng application form kung hindi siya dumaan sa biometrics registration ay hindi siya kunsideradong lehitimong botante sa 2013.

Ginagawa nila umano ang ganitong hakbang nang sa gayon ay madisiplina at matuto ang mga Pilipino na sumunod sa itinatakdang mga patakaran at maalis na ang mga kaugaliang hindi nakakatulong para sa maayos na operasyon ng mga tanggapan tulad ng Comelec. Mahaba na rin umano ang palugit na ibinigay ng Comelec para sa mga ito kung kaya’t wala na silang dahilan pa upang magreklamo.

Sa bahagi naman ng validation, sinabi niyang mas magandang ma-validate ng botante ang dati nitong voter’s registration, subalit nilinaw din niyang maaari pa ring makaboto ngayong 2013 elections ang botanteng hindi nakapagpa-validate, dapat lang umanong nakaboto ito ng dalawang magkasunod nitong nakaraang mga eleksyon, noong 2010 national election at Barangay at Sangguniang Kabataan election.

Samantala, sa pinakahuling tala ng Comelec Sorsogon Provincial Office noong Hunyo 2012, nasa 18,185 ang mga bagong botanteng nagparehistro, subalit ilang mga munisipyo ang hindi pa nakapagsusumite sa kanila ng mga datos ng bagong botante sa kani-kanilang mga lugar.

Noong 2010 election nasa 395,371 ang kabuuang bilang ng mga botante. 

Samantala, sa lungsod naman ng Sorsogon, sinabi ni City Election Supervisor Atty. Ryan Filgueras na 80,000 hanggang 85,000 ang inaasahan nilang bilang ng mga lehitimong botante ngayong 2013 midterm elections sa Sorsogon City.

Malaking tulong umano ang isinagawa nilang satellite registrations sa mga barangay upang maabot ang mga botanteng kwalipikadong magparehistro mapabilis ang pagproseso ng mga voter's registration. (BARecebido, PIA Sorsogon)

Tuesday, October 30, 2012

Sorsogon City BFP, PNP nakaalerto para sa “Oplan Kaluluwa”



Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Oktubre 30 (PIA) – Tatlong fire truck malapit sa malalaking mga sementeryo sa lungsod ng Sorsogon ang ilalagay ng Bureau of Fire Protection (BFP) Sorsogon City Station sa pangunguna ni SInsp Walter Marcial bilang paghahanda sa Araw ng mga Santo at Kaluluwa ngayong Nobyembre Uno hanggang Dos.

Sa inilabas na pahayag ni Marcial, ilalagay nila ang mga trak na ito ng BFP sa Bacon Catholic Cemetery sa West Bulod, Bacon District, Sorsogon City Memorial Garden sa Brgy. Bibincahan, at Msgr. Barlin Street sa Brgy. Sampaloc.

Ayon kay Marcial, hindi lamang mga sasakyan ng BFP ang ilalagay nila kundi maging ang kanilang mga tauhan ay babantay din sa nasabing mga lugar upang magbigay ng serbisyo sa publiko sakaling kailanganin ito.

Aniya, taunan nilang ginagawa ang ganito bilang bahagi ng pagpapatupad ng kanilang “Oplan Kaluluwa” lalo pa’t inaasahan na ang pagdagsa sa sementeryo ng mga tao upang bisitahin at ipagdasal ang kanilang mga mahal sa buhay na namayapa na.

Sa pagdagsa ng maraming tao, alertado umano ang kanyang mga tauhan nang sa gayon ay maiwasan ang anumang mga insidente kaugnay ng pag-alala sa mga mahahalagang araw na ito.

Nilinaw din ni Marcial na sa kabila ng dobleng pagbabantay nila sa mga sementeryo, hindi rin nila inaalis ang kanilang atensyon sa mga kabahayan kung saan hindi rin umano naiiwasang magsindi ng kandila sa kanilang mga bahay para sa mga yumaong kamag-anak yaong hindi makadadalaw sa mga sementeryo.

Bago pa ang pagpapatupad ay pinulong ni Marcial ang kanyang mga tauhan upang malinis na maplao ang mga pamamaraan sa pagpapatupad ng “Oplan Kaluluwa” upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa mga panahong tulad nito.

Inatasan din niya ang paglalagay ng mga fire truck at mga tauhan ng BFP Sorsogon City sa mga istratehikong lugar sa lungsod lalo na kung saan naroroon ang malalking sementeryo dito.

Maliban dito, magsasagawa rin ng information drive ang mga tauhan ng Fire Safety Enforcement Section at mamamahagi ng mga leaflets na naglalaman ng mga mahahalagang kaalaman ukol sa tamang pag-iwas sa mga maaaring pagmulan ng sunog o kaugnay na insidente at matiyak na ligtas na komunidad.


Samantala, nananatiling maayos at payapa ang operasyon sa mga pantalan at terminal dito sa lalawigan at nagsimula na ring magdatingan ang mga bakasyunistang nais samantalahin ang mahabang bakasyon ngayong week-end.

Nakakalat na rin simula pa noong Lunes ang mga kapulisan sa mga sementeryo at istratehikong lugar hindi lamang sa lungsod ng Sorsogon kundi maging sa mga munisipalidad sa buong lalawigan.

Ayon kay Sorsogon City PNP Chief PSupt. Edgardo Ardales, aktibado na rin ang kanilang Police Assistance Desk para asistihan ang publiko sa mga pangangailangan nito.

Ipinatutupad na rin nila umano ang special traffic procedures partikular sa West Bulod sa Bacon District at Msgr. Barlin Street sa Brgy. Sampaloc kung saan makikitid ang mga kalsada dito.

Patuloy din ang panawagan ng mga awtoridad sa lahat na suportahan ang kanilang pagsisikap na matiyak ang kaligtasan ng publiko sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga ipinatutupad nilang programa upang maiwasan ang anumang negatibong insidente sa tuwing may mga kahalintulad na okasyon. (BARecebido, PIA Sorsogon/BFP)

Monday, October 29, 2012

KFI, Provincial-LGU honor Outstanding Police Officers of Sorsogon


SORSOGON CITY, Oct 29 (PIA) – Nineteen policemen were honored as Outstanding Police Officers of Sorsogon in an awarding ceremony dubbed as “Orgulyo San Sorsogon” Awards Night held at the Capitol Grounds in Sorsogon City on October 17, 20121as part of the culmination rites of the 18th Foundation Anniversary of the province of Sorsogon. 

Kasanggayahan Foundation Inc. in cooperation with the Local Government of the Province of Sorsogon organized the awarding of different government employees and farmers of Sorsogon. Of the 19 awardees, two (2) were Police Commissioned Officers and seventeen (17) Police Non Commissioned Officers as follows:

SPPSC – PSUPT DIONESIO T LACEDA
Irosin MPS – PO1 Wilson G Enano
Irosin MPS – PSI RUEL M PEDRO
Juban MPS – PO3 Eder L Hubilla
PHQ Sorsogon PPO – SPO2 Nestor J Aguirre
Magallanes MPS – PO1 Eloisa P Villarroya
Barcelona MPS – PO1 Dante R Labudlay 
Matnog MPS – PO1 Ramir S Gutlay
Bulan MPS – PO3 Ely E Moraleda                           
Pilar MPS – PO1 Dennis M Pacheco
Bulusan MPS – PO2 Rustan F Baula                        
Pto Diaz MPS – PO2 Norman D Sol
Casiguran MPS – PO1 Geraldine DL Navarroza        
Sta Magdalena MPS – SPO4 Emiliano G Ramos V
Castilla MPS – SPO1 Johanes J Tayam                    
Sorsogon CPS – SPO4 Reynaldo F Olbes
Donsol MPS – PO3 Ruel C Renolayan            
SPPSC – PO1 Reynaldo S Antes IV     
Gubat MPS – PO2 Bobby L Buela                           

Plaques and cash prizes amounting to Fifteen Thousand Pesos (Php 15,000.00) each were bestowed by Hon. Sally A. Lee, KFI Board of Director and Msgr. Francisco P. Monje, KFI President and assisted by PSSupt John CA Jambora, Provincial Director.

Jambora expressed pride on the exemplary performance shown by his men urging the members of the police force in Sorsogon to keep up the good work and live up to the PNP motto, “To Serve and Protect”. (BARecebido, PIA Sorsogon/ SPPO)

Pinuno at kawani ng pamahalaan puspusang pinatutulong ng Pangulong Aquino sa Climate Change Conciousness Week



SORSOGON CITY, Oktubre 29 (PIA) – Ipagdiriwang sa darating na Nobyembre 19-25, 2012 ang Climate Change Consciousness Week alinsunod sa Memorandum ng Pangulo No. 35 ngayong taon.

Kaugnay nito, puspusang pinatutulong ng Pangulong Benigno S. Aquino III ang lahat ng pinuno at mga kawani ng pamahalaan, kasama ang mga Korporasyong Pagmamay-ari at Kontrolado ng Pamahalaan (GOCCs) at mga lokal na pamahalaan (LGUs) dahilan sa gagawing isang linggong pagdiriwang.

Nakapaloob sa Memorandum Circular No. 35 (series 2012) na nilagdaan ni Kalihim Tagapagpaganap Paquito N. Ochoa, Jr. noong Agosto 14 ang mga tagubilin ng Pangulo.

Sa Proklamasyon Blg. 1667 (s. 2008) ay idineklara ang Nobyembre 19-25, 2008 at taun-taon pagkatapos bilang Global Warming and Climate Change Consciousness Week.

Hangarin ng Proklamasyon na maging masigasig ang lahat tungkol sa global warming at pagbabago ng klima sa tulong ng malawakan at puspusang pagkilos para mabatid ng madla ang malaking suliraning naturan.

Nais ng nabanggit na proklamasyon na “magtulung-tulong ang sambayanan, gayundin ang mga sektor na publiko at pribado sa paghanap ng lunas sa mga panganib na bunga ng pagbabago ng klima.”

Inatasan ng Pangulo ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) at ang Public Information Agency (PIA) na tulungan ang media sa bagay na ito. (PIA Sorsogon)