Friday, December 28, 2012

DENR-EMB recommends Pilar Bay as Class SC


By: Bennie A. Recebido

SORSOGON CITY, November 28 (PIA) – Following the site verification of the physical environment surrounding Pilar Bay in Pilar town of Sorsogon, the Environment Management Bureau (EMB) of the Department of Environment and Natural Resources (DENR) - V recommended that the bay be classified as Class SC (Saline C).

As per the DENR Administrative Order No. 34 or the Revised Water Usage and Classification, surface water bodies in the country need to be classified. One of the bases of its classification is its characteristic in order to determine its usage.

EMB regional director Engr. Roberto D. Sheen, during the Pulic Hearing on Pilar Bay Classification conducted recently in Pilar town said that based on the data gathered and evaluation made by their team, Pilar Bay’s classification as Class SC would mean that the bay can be used as Recreational Water Class II (e.g. boating), Fishery Water Class II (commercial) and that the marshy and/or mangrove areas can be declared as fish and wildlife sanctuaries.

According to DENR Administrative Order (DAO) 34 series of 1990 or the Revised Water Usage and Classifications, water bodies for coastal and marine waters (as amended by DAO 97-23), where Pilar Bay is included, are classified into four classes: Class SA (water suitable for fishery production, national marine parks and reserves and coral reefs parks and reserves); Class SB (tourist zones and marine reserves; Recreational Water Class I (bathing, swimming, etc.) and Fishery Class I for milkfish; Class SC; and Class SD (Industrial Water Supply Class II and other coastal and marine waters.

In determining classification for Pilar Bay, 12 sampling stations surrounding the bay were established as follows: Approximately 50 meters from the Pilar Port; Approximately 100 meters from the mouth of Sta. Fe River; Approximately 30 meters from Dona Ana Islet; Approximately 100 meters from the mouth of Quidavid Lighthouse; Approximately 300 meters from the mouth of Barayong River; Approximately 500 meters from Tinago Point; Approximately 300 meters Brgy. San Rafael; Approximately 300 meters from Brgy. Oras; Middle of Stations 3, 4, 7 and 8; Approximately 200 meters from Brgy. Paniquian; Approximately 50 meters from the mouth of Tinago River; and Approximately 50 meters from the mouth of Putiao River.

EMB-V considered five water quality parameters in determining the classification of Pilar Bay namely: PH Level; Dissolved Oxygen (DO); Total Suspended Solids (TSS); Oil and Grease; and Nitrates (NO3) and Phosphates (PO4).

Sampling was done once every quarter for one year and the samples were collected from the said twelve established sampling stations.

RD Sheen made it clear that the classification does not preclude the usage of the bay to a lower classification such as Class SD water body. “The recommended classification is a security measure that the water quality condition of Pilar Bay will be maintained to a level that could sustainably bring about the productivity and best beneficial usage of said water body,” he added.

The surrounding area of Pilar Bay is mostly agricultural land and is densely populated on one part. Some portions are dominated by mangroves and is utilized for fish/aqua-culture, sustenance fishing and for navigation.

“Pilar Bay needs to be classified in order to protect its water quality and likewise determine the maximum potential usage and best applicable protection and management scheme of the body,” Sheen said.

In classifying any water body, Sheen explained that the determination of its water quality and actual usage is very vital. “The quality of the water is the psycho-chemical condition of the water body. A technically and acceptable classification is then based to the consolidation of these two criteria,” he further explained.

Pilar Municipal Agriculture Officer Victor Lee said that the recommended classification of Pilar Bay is a wake-up call on the part of the local government of Pilar and could be a strong basis of both the legislative and the executive body in finding time to sit down to arrive at certain measures to be done in order to improve the status of Pilar Bay believing that said bay has promising potentials aside from fishing and navigation activities.

The public hearing also served as an opportunity for local officials of Pilar to review the status of existing resorts surrounding Pilar Bay.

EMB-V Water Quality Management Services OIC Engr. Jocelyn R. Vinas said that with the recommended classification of the Bay now, existing beach resorts can be placed under the Eco-Beach Watch. The Eco-Beach Watch Program is one of the priority program activities of the EMB-DENR as part of advocacy for good water quality.

This aims to establish baseline data and provide the latest/updated information on the present quality of the bathing beaches. It also aims to inform the resort/facility owners to institute measures to improve the quality of their respective beaches. (BARecebido, PIA Sorsogon)



Mga awtoridad naka-alerto at handa na sa pagsalubong sa Bagong Taon


LUNGSOD NG SORSOGON, Disyembre 28 (PIA) – Nananatiling nasa “Heightened Alert Status” ang Bureau of Fire Protection (BFP) Sorsogon kaugnay pa rin ng pagdiriwang ng kapaskuhan at bilang paghahanda rin sa pagsalubong sa bagong taon.

Tuloy din ang ginagawa nilang bandillo partikular sa bisinidad ng Sorsogon upang higit pang paigtingin ang kamalayan ng publiko ukol sa tamang pag-iingat at pag-iwas sa sunog.

Makikita din ang presensya ng kanilang mga tauhan at ang pag-iikot ng BFP fire truck bilang bahagi pa rin ng kanilang Fire Safety Information Drive.

Ayon kay BFP Sorsogon City Fire Marshal SInsp Walter Marcial, magtatagal ang pagsasagawa ng bandillo sa huling araw ng Disyembre habang ang deklarasyon ng alert status ay hanggang sa ikalawang araw ng Enero 2013.

Umani din ng pagpuri ang libreng blood pressure monitoring at BFP public assistance sa mga malalaking shopping mall sa lungsod ng Sorsogon na sinimulan nilang gawin noong Disyembre 24 upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamimili lalo pa’t dumagsa ang mga ito dahilan sa kabi-kabilang mga Christmas Sale at Discount. Magtatagal din ang kampanyang ito ng BFP Sorsogon City hanggang sa huling araw ng Disyembre.

Samantala, ang mga malalaking ospital at district hospital sa lalawigan ay isinailalim sa “Code White Alert Status” bago pa man magsimula ang pagdiriwang ng pasko.

Matatandaang nakipag-ugnayan din sa mga pribadong ospital sa Sorsogon ang Department of Health (DoH) upang magsanib pwersa at magtulungan sa pagpapatupad ng “Code White Alert” mula Disyembre 21, 2012 hanggang Enero 5, 2013.

Ang “Code White Alert Status” ay itinataas sa mga panahong tulad nito bilang paghahanda ng lahat lahat ng mga pampublikong ospital upang agad na malapatan ng lunas ang mga taong itatakbo sa pagamutan sanhi ng paggamit ng iba’t-ibang uri ng malalakas na paputok.

“On call” naman ang lahat ng mga resident doctor sa Dr. Fernando B. Duran, Sr. Memorial Hospital o mas kilala sa tawag na Sorsogon Provincial Hospital anumang oras na kailanganin ang serbisyo ng mga ito lalo na kung nakababahala at dagsa ang bilang ng mga pasyente at biktima ng paputok. (BARecebido/FBTumalad, PIA Sorsogon)

Thursday, December 27, 2012

Mga bagong opisyal ng BDS sa Castilla nanumpa



Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Disyembre 27 (PIA) – Sabay sa pagdiriwang ng ika-apat na anibersaryo ng pagkakatatag ng 903rd Infantry Brigade ng 9th Infantry Division ng Philippine Army nitong ika-19 ng Disyembre ay nanumpa ang mga bagong opisyal ng Barangay Defense System (BDS) ng 34 na mga barangay sa bayan ng Castilla, Sorsogon.

Ang panunumpa ay pinangunahan ni Provincial Government Chief of Staff Daniel P. Jazmin III bilang kinatawan ni Sorsogon Governor Raul R. Lee at inasistihan naman ni 903rd Infantry Brigade Commanding Officer Col. Joselito E. Kakilala.

Sa naging panunumpa, muling ipinaalala sa mga opisyal ang mahalagang papel na ginagampanan at responsibilidad ng bawat opisyal ng BDS sa pagkamit ng tunay na kapayapaan at kaunlaran ng isang komunidad.

Ang BDS ay bahagi ng kumprehensibong plano ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas kaugnay ng mga inisyatibong pangkapayapaan at pangkaunlaran partikular sa mga lugar na may suliranin sa insurhensiya. Sa sistemang ito ay mismong ang mga kasapi ng barangay ang nagbabantay sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng pagkakaisa, pag-iwas sa paggamit ng dahas at armas at pagtulung-tulungan para sa pag-unlad ng kanilang komunidad.

Sa naging mensahe ni 903rd Infantry Brigade Commanding Officer Col Kakilala, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng kooperasyon at bayanihan ng bawat komunidad sa mga programang ipinatutupad ng pamahalaan. Tinalakay din niya ang ugat ng kahirapan sa bansa na aniya’y pinagsisikapan ng pamahalaan na mabigyan ng solusyon sa pamamagitan ng tamang edukasyon at pagbibigay ng mga programang pangkabuhayan.

Positibo din ang opisyal na sa tulong ng mga residente ay muling makukuha ng 903rd Infantry Brigade ang karangalan bilang Best Brigade para sa taong 2012.

Kitang-kita naman ang buong suporta ng mga barangay sa Castilla kung saan nanatili ang mga ito hanggang sa huling bahagi ng programa na inabot hanggang gabi. (BARecebido, PIA Sorsogon)

Wednesday, December 26, 2012

SOR PPO Basketball Tournament 2012

SORSOGON CITY, Dec 26 – The Sorsogon Police Provincial Office (SPPO) has just concluded a basketball tournament on December 18, 2012. It was started on November 6, 2012. 

The program is the brainchild our Provincial Director, PSSUPT JOHN CA JAMBORA, who initiated the construction of the basketball court inside the camp.

The tournament was participated by the SPPO, Sorsogon City Police Station, Sorsogon Provincial Public Safety Company and different Municipal Police Station of this office.

Among the participating teams, Sorsogon City Police Station is declared as the champion of the said Tournament, 1st Runner-up Juban MPS, 2nd Runner-up SPPSC, 3rd Runner-up PHQ Sorsogon PPO, 4th Runner-up Casiguran MPS and the 5th Runner-up is Irosin MPS.

The program is designed to develop strong camaraderie, sportsmanship and teamwork and personnel development of Sorsogon PPO. (PCI NFMarquez, SPPO-PCRO/PIA Sorsogon)

Sunday, December 23, 2012

PNP patuloy ang apela sa publiko laban sa mga hindi rehistradong baril



Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Disyembre 21 (PIA) – Muling hiningi ni Philippine National Police (PNP) Sorsogon Provincial Director PSSupt John CA Jambora ang tulong ng media sa pagpapaabot sa publiko ng kanilang kampanya laban sa mga loose fire-arms.

Inatasan din nito ang kanyang mga tauhan na maging mahigpit sa pagpapatupad ng batas ukol dito.

Ang atas ay alinsunod sa Republic Act 8249 o ang batas kaugnay ng ilegal na pagmamay-ari, paggawa at pagbenta ng mga baril, bala at mga pampasabog.

Aniya, dapat na i-surender ng sinumang indibidwal ang mga baril o armas na walang lisensya o hindi na-renew ang lisensya sa takdang panahon nang sa gayon ay hindi ito magamit sa anumang kaguluhang may kaugnayan sa eleksyon sa susunod na taon.

Nagpa-alala din ang opisyal na simula sa Enero 13, 2013 ay mahigpit nang ipatutupad ang election gunban at check-point sa buong bansa kung saan dito ay muling magsasanib pwersa ang PNP, Comelec at Armed Forces of the Philippines (AFP) upang maipatupad ito.

Alinsunod sa Comelec Resoultion 9385 magtatagal ang pagpapatupad ng gun ban hanggang sa Hunyo 12, 2013. Bahagi din ito ng pagpapatupad ng Republic Act 166 na nagsasaad ng mga patakaran ukol sa pagdadala ng mga armas tulad ng baril sa panahon ng kampanya at eleksyon, lokal man o nasyunal.

Samantala, mahigpit ding ipinatutupad ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kanilang “Oplan Paglalansag Omega” kung saan nakapaloob dito ang kampanya nila upang matukoy at mahuli ang mga taong may mga itinatagong loose firearms.

Positibo din ang mga awtoridad na sa pamamagitan ng kooperasyon ng komunidad lalo sa pagbibigay ng mga tip at impornasyon sa kanila ay maiiwasan na ang mga karahasang dala ng paggamit ng mga illegal na baril na kadalasang nauuwi sa karumal-dumal na krimen.

Sa Sorsogon, umaabot sa 1,070 ang naitatalang loose firearms kung saan 60 dito ang non-renewed habang 430 dito ay revoked o nawawala. (BARecebido, PIA Sorsogon)

Pamamahala ng Quidolog Water System, pormal nang isinalin ng Coastal CORE sa pamamahala ng people’s Organization sa Pto. Diaz

LUNGSOD NG SORSOGON, Disyembre 20 (PIA) – Pormal ng isinalin ng Coastal Communiry Resources (Coastal CORE) ang pamamahala ng Quidolog Water System sa Brgy. Quidolog, Prieto Diaz, Sorsogon sa lokal na people’s organization nito noong nakaraang Disyembre 14, Biyernes ng hapon.

Tinanggap ni Pto. Diaz Mayor. Jocelyn Y. Lelis ang responsibilidad ng pagsubaybay sa proyekto kasama ang pangulo ng Quidolog Development Association (QDA) Antonino Destura na direktang mamamahala ng nasabing proyekto.

Ang Quidolog Water System ay pinondohan ng Agencia Española de Cooperacion Internacional Para El Desarollo (AECID), Fundacion IPADE por Un Desarollo Humane Sustenible at Ministerio de Asunto Exteriores y de Cooperacion ng bansang Espanya.

Dumalo sa nasabing seremonya ng pagsasalin ang National Coordinator Laia Reverter at Bicol Coordinator Alex Nayve ng Fundacion IPADE. Naroroon din si AECID Bicol Coordinator Lea Fenix, Brgy. Captain Pablo Destura ng Barangay Quidolog, Municipal Councilor Alice Enano at mga kasapi ng QDA at iba pang residente ng barangay.

Ipinahayag ni Destura ang kagalakan dahil naabot na nila ang isa sa layunin ng kanilang organisasyon na mabigyan ng malinis at ligtas na inumin ang mga residente ng Brgy. Quidolog. 

Samantala, may halong tuwa at pangamba naman ang mga kasapi ng Quidolog Development Association sa sa pag-ako ng responsibilidad, subalit ipina-alala sa kanila ni Mayor Lelis na bawat gawain o proyekto ay may kaakibat na problema subalit kung magtutulong-tulong at pag-uusapan ang solusyon, maisasa-ayos nila ito sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Prieto Diaz.

Gayunpaman, umaasa ang punong ehekutibo ng Prieto Diaz na patuloy silang tutulungan ng iba’t-ibang mga ahensya sa mga susunod pang proyektong pang-kaunlaran ng kanilang bayan.

Ayon naman kay Coastal CORE Project Coordinator Maila Quiring, napili nilang tulungan ang bayan ng Prieto Diaz dahilan sa antas ng kahirapan at pangangailangan ng mga mamamayan na sinisikap namang masolusyunan ng pamahalaang bayan nito. Makikita umano ito sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lokal sa mga non-government organization at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

“Bilang tulay sa pagpapaunlad ng mga komunidad, nagsisikap din ang Coastal Core na matugunan ang mga pangangailangan ng mga bayan sa Sorsogon na nasa priority list nila,” pahayag pa ni Quiring. (JFuellos/ BARecebido, PIA Sorsogon)