Tinanggap ni Pto. Diaz Mayor. Jocelyn Y.
Lelis ang responsibilidad ng pagsubaybay sa proyekto kasama ang pangulo ng
Quidolog Development Association (QDA) Antonino Destura na direktang mamamahala
ng nasabing proyekto.
Ang Quidolog Water System ay pinondohan ng Agencia
Española de Cooperacion Internacional Para El Desarollo (AECID), Fundacion
IPADE por Un Desarollo Humane Sustenible at Ministerio de Asunto Exteriores y
de Cooperacion ng bansang Espanya.
Dumalo sa nasabing seremonya ng pagsasalin ang
National Coordinator Laia Reverter at Bicol Coordinator Alex Nayve ng Fundacion
IPADE. Naroroon din si AECID Bicol Coordinator Lea Fenix, Brgy. Captain Pablo
Destura ng Barangay Quidolog, Municipal Councilor Alice Enano at mga kasapi ng
QDA at iba pang residente ng barangay.
Ipinahayag ni Destura ang kagalakan dahil
naabot na nila ang isa sa layunin ng kanilang organisasyon na mabigyan ng
malinis at ligtas na inumin ang mga residente ng Brgy. Quidolog.
Samantala, may halong tuwa at pangamba naman
ang mga kasapi ng Quidolog Development Association sa sa pag-ako ng
responsibilidad, subalit ipina-alala sa kanila ni Mayor Lelis na bawat gawain o
proyekto ay may kaakibat na problema subalit kung magtutulong-tulong at
pag-uusapan ang solusyon, maisasa-ayos nila ito sa tulong ng lokal na pamahalaan
ng Prieto Diaz.
Gayunpaman, umaasa ang punong ehekutibo ng
Prieto Diaz na patuloy silang tutulungan ng iba’t-ibang mga ahensya sa mga
susunod pang proyektong pang-kaunlaran ng kanilang bayan.
Ayon naman kay Coastal CORE Project
Coordinator Maila Quiring, napili nilang tulungan ang bayan ng Prieto Diaz dahilan
sa antas ng kahirapan at pangangailangan ng mga mamamayan na sinisikap namang masolusyunan
ng pamahalaang bayan nito. Makikita umano ito sa pakikipagtulungan ng
pamahalaang lokal sa mga non-government organization at iba pang ahensiya ng
pamahalaan.
“Bilang tulay sa pagpapaunlad ng mga
komunidad, nagsisikap din ang Coastal Core na matugunan ang mga pangangailangan
ng mga bayan sa Sorsogon na nasa priority list nila,” pahayag pa ni Quiring.
(JFuellos/ BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment