Wednesday, December 19, 2012

Proyektong pangkabuhayan ng Coastal CORE pormal nang ibinigay sa BSHGFI at LGU-Sorsogon City



LUNGSOD NG SORSOGON, Disyembre 19 (PIA) – Tuluyan nang naibigay sa Bacon Self Help Group Federation, Inc. (BSHGFI) sa pamumuno ni Ginang Redencion Dometita at sa pamahalaang lungsod ng Sorsogon sa pamumuno naman ni City Mayor Leovic Dioneda ang mga proyektong pangkabuhayan na ipinatupad ng Coastal CORE at pinondohan ng pamahalaan ng Espanya.

Ang ceremonial turn-over ay isinagawa noong Biyernes, Disyembre 14, 2012 sa Brgy. Bogña, Bacon Sorsogon City kung saan dinaluhan ito ng mga kasapi ng BSHGFI, ilang ahensya ng pamahalaan at iba pang mga non-government organization na may malaking naiambag sa pagsasakatuparan ng proyekto.

Naroroon sa aktibidad si Lea Fenix, Bicol Coordinator ng  Agencia Española de Cooperacion Internacional Para El Desarollo (AECID), si  Ginoong Alex Nayve, Bicol Coordinator ng  Fundacion IPADE por Un Desarollo Humane Sustenible at ang mga tauhan  ng Department of Trade and Industry (DTI) Sorsogon. Bagamat hindi nakarating ang kinatawan ng  Ministerio de Asunto Exteriores y de Cooperacion ay kinilala din ang kanilang tulong na pederasyon.

Kasama sa ibinigay ng mga funding agency ay ang mga gamit ng bantay-dagat, multipurpose hall at iba pang pasilidad para sa kanilang paggawa ng mga handicraft na siyang pangunahing produkto ng BSHGFI.

Ang mga proyektong pangkabuhayan na kasalukuyang pinagtutuunan ng BSHGFI ay ang paggawa ng mga produkto gamit ang bariw o karagumoy gaya ng bayong, bag, banig, at marami pang iba. Gumagawa din sila ng mga kalan na gawa sa clay o putik kung saan ang gamit na pang-gatong ay ang “briquettes” na gawa sa shell ng pili nut.

Nagbigay ang AECID  sa BSHGFI ng Php 200,000.00 bilang dagdag sa revolving fund na ibinigay ng lokal na pamahalaang lungsod ng Sorsogon na nagkakahalaga ng Php 200,000.00, kung kaya umabot sa kabuuang P400,000 ang naging revolving capital ng BSHGFI. Naghayag din ng suporta ang DTI- Sorsogon at nangako na magbibigay ng tinatawag na shared facility para sa kanilang patuloy na pagpapa-unlad ng kanilang produktong handicraft.

Matapos ang turn-over, ang LGU-Sorsogon City ang siya nang magiging tagasubaybay ng nasabing mga proyekto.

Ang BSHGFI ay isang organisasyong pangkomunidad na binubuo ng mga indibidwal na residente ng Brgy. Bogña, Brgy. Gatbo, Brgy.Salvacion, Brgy. Caricaran at Brgy. Bato. 

Ang Coastal Core naman ay isang Non-government Organization na tumutulong sa mga People’s Organization na gustong paunlarin ang kanilang komuninad sa pamamagitan ng mga proyektong pangkabuhayan  alinsunod sa kakayanan ng mga indibidwal at kung ano ang  mga likas na yaman sa isang lugar.

Nakapaloob sa 5-year development plan ng Coastal CORE para sa bawat grupo ang mga pag-aaral para sa kaukulang mga livelihood project, values formation, skills training at iba pang kasanayag may kaugnayan sa natukoy ng proyekto ng bawat people’s organization.

Ang Coastal Core bilang tulay sa mga pagsasagawa ng proyekto ng mga people’s organization ay umaasa na maipagpapatuloy at mapauunlad ng BSHGFI ang mga proyektong pangkabuhayan na naumpisahan na, at mapangalagaan din nila ang kanilang karagatan at kalikasan sa pamamagitan ng kanilang mga naging pag-aaral at karanasan sa panahong nakasama nila  ang kanilang partner agencies. 

Ang  programa ng Coastal Core kasama ang AECID at  Fundacion IPADE ay pormal na magtatapos sa darating na Marso 2013. (JFuellos/BAR, PIA Sorsogon)

Tuesday, December 18, 2012

“Linggo ng Kabataan” manifests vital role of SK


SK Logo; Tree Planting in Castilla, Sor.
SORSOGON CITY, Dec 18 – THE 1987 Philippine Constitution speaks out the vital role of the youth in nation building.

Accordingly, the state has to stimulate and look after their physical, moral, spiritual, intellectual and social well-being. In addition, uphold patriotism and nationalism, and then encourage involvement in public and civic affairs
.
On one hand, Republic Act 7160, known as the Local Government Code of 1991 directs the Sangguniang Kabataan (SK) as the youth representation in various civic and social gatherings, and arranges activities in response to national as well as local issues and concerns.

This further provides for the conduct of an annual activity dubbed as the “Linggo ng Kabataan.”

Together with the Provincial Government of Sorsogon, Public Employment Service Office (PESO) and the Department of Labor and Employment (DOLE), the SK Provincial Federation organised a job fair (December 13 and 14) this year for career hunters which was graced by DOLE’s Regional Director Nathaniel Lacambra, Assistant Regional Director Ezequiel Ronnie Guzman, Sorsogon Field Officer Jose Banda and Marilyn Luzuriaga.

Linking up with four local and overseas agencies, the job fair registered a total number of 216 applicants.

It similarly supported Honorable Governor Raul R. Lee’s continuing “Paskonswelo sa Kapitolyo” (December 1 to 30) at the Capitol Park, Kasanggayahan Village and Provincial Gymnasium, with series of activities intended to light the spirit of the holiday season.

On Saturday (December 15th), a First Aidand Basic Life Support workshop was conducted for the members of the SK Provincial Federation at the Sorsogon National High School (SNHS) Function Hall in Sorsogon City, fitting together with the recent Linggo ng Kabataan events. This was supported by the Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), headed by its chief, Engineer Raden D. Dimaano.

(L) Former Gov Sally Lee; (R) SK Fed Pres Patrick Rodrigueza
The event was joined in by Sorsogon’s champion on Climate Change, former Governor Sally Ante Lee, who urged the SK for their further commitment to saving Mother Earth.

“I hope that in due time you are able to learn and take the responsibility of protecting our environment,” she said.


Earlier, the SK headed by Federation President and Board Member Patrick Lee Rodrigueza, expressed their enthusiasm during a dialogue with the PDRRMO to implement suitable programmes under Disaster Risk Reduction (DRR) and timely respond to the adverse effects of Climate Change.

Relevantly fresh from planting mangrove propagules in the vulnerable coastal area of barangay Bulabog, Sorsogon City last October 14, 2012, the SK engaged in a tree planting activity on a rainy Sunday morning (December 16th).

In coordination with Forest Ranger Wilfredo F. Duran Jr. (PENRO-LGU), Captain Arnel G. Sabas of the Philippine Army and Barangay Chairman Floro A. Mirabel, SK members scaled the slippery hills and planted Acacia Mangium, Mahogany and Narra tree saplings in an identified timberland zone in barangay Amomonting, Castilla devolved to the Province of Sorsogon by the Department of Environment and Natural Resources (DENR) under the Integrated Social Forestry Project (ISF).

“The Campostella Valley tragedy was just one of the terrible catastrophesthat hit the country and manifested insufficiency in preparedness and awareness of disaster risk reduction, “SK Federation President Patrick Lee Rodrigueza said in a statement.

“With any luck, these laudable activities will benefit the both responsive and active stakeholders in reducing risks during disasters and other calamities here in the Province of Sorsogon,” he said.(VAELabalan, PIO/PIA Sorsogon)

Monday, December 17, 2012

PNP nilinaw ang ilang probisyon sa pagkuha ng police security escort


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Disyembre 18 (PIA) – “Hindi awtorisadong magsilbi bilang security escort ng ilang mga pulitiko ang kasapi ng Philippine National Police (PNP),” ito ang paglilinaw ni PNP Sorsogon Provincial Director PSSupt John CA Jambora sa isang round table discussion kamakailan kung saan naroroon ang opisyal kasama ng ilang piling taga-media at mga tauhan ng Sorsogon Provincial Command.

Ayon kay Jambora, sa bagong probisyon ng Commission on Election 9695-A, hindi awtorisadong magbigay ng ekslusibong seguridad o ng security escort ng pulitiko ang mga tauhan ng PNP partikular sa mga Congressman, gobernador, bise gobernador, bokal, mayor, vice-mayor at mga konsehal ng munisipyo o lungsod. 

Aniya, yaong mga akreditado ng private security agency o mga private detective ang siyang awtorisadong maging security escort ng mga nabanggit na pulitiko, subalit dapat umanong mayroon itong mga espesyal na kasanayan at hindi dapat na tataas pa sa dalawa ang magbibigay ng seguridad.

Kaugnay nito, hinihikayat ng PNP ang mga pribadong indibidwal na sumailalim sa mga pagsasanay bilang mga lisensyadong security escort.

Ayon pa kay Jambora, kinakailangan ding mag-request ang pulitiko sa Comelec na kailangan niya ng security escort. Shotgun at 99mm pistol ang gagamiting armas ng idedetining security personnel.

Sa ilalim ng batas, ang Bise Presidente, Senate President, Speaker of the House, Supreme Court Chief Justice at ang Kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pinapayagang magkaroon ng protective security.

Ang Police Security and Protection Group (PSPG) ang siyang may mandatong magbigay ng protective security sa mga awtorisadong opisyal ng pamahalaan, foreign dignitaries at mga piling gusali ng pamahalaan. Ito rin ang tumutulong sa pagbibigay seguridad sa Pangulo at kasapi ng First Family.

Ang mga pribadong indibidwal na dating may mga matatas na posisyon sa bansa tulad ng dating presidente at bise presidente ng Pilipinas, balo ng mga dating presidente at mga dating PNP chief ay pinapayagan ding magkaroon ng police security.

Habang yaong mga indibidwal na nagnanais magkaroon ng police security escort ay dapat na patunayang mayroon silang mga aktwal na banta sa kanilang buhay at pamilya. (BARecebido, PIA Sorsogon)


‘Price freeze’ iiral lamang sa mga bahaging sinalanta ng bagyo; mga negosyante binalaan laban sa pananamantala

Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Disyembre 17 (PIA) – Kahit pa idineklara ng Pangulong Benigno Aquino III ang “State of National Calamity” sa bansa, nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) Sorsogon sa pangunguna ni provincial director Leah Pagao na tanging sa mga sakop na lugar lamang na sinalanta ng bagyong ‘Pablo’ iiral ang “Price Freeze”.

Ang “Price Freeze” ay ang pagkontrol ng pamahalaan ng mga pangunahing bilihin lalo kung nakaranas ng kalamidad ang isang lugar, ito ay upang mamantini ang halaga ng mga bilihin at maging abot-kaya sa mga mamimili. Layunin din nitong maiwasan ang numang pananamantala sa mga panahong may kakulangan sa suplay ng mga pangunahing pangangailangan sa mga pamilihan.

Matatandaang una nang nagbabala ang DTI na hindi magdadalawang-isip ang pamahalaan na patawan ng mas mabigat na parusa ang sinumang negosyante na mahuhuling magsasamantala sa pagtataas ng halaga ng kanilang mga paninda dahil lamang sa sunod-sunod na mga pag-uulan o pagbaha sa kanilang mga lugar.

Sa panahong nagpapatupad ng price freeze, tanging ang mga de-lata, noodles, gamot at LPG lamang ang sakop nito kung kaya’t may ilang mga mababtas din ang nagmumungkahing isama ang tubig, bigas at asukal sa price control sa oras ng kalamidad. Dagdag din ng mga itong napapanahon na ring repasuhin at amyendahan ang ilang mga probisyon ng kasalukuyang batas na umiiral ukol sa price control law.

Samatala, nilinaw din ng DTI Sorsogon na kinakailangang sumunod ang mga negosyante sa ‘suggested retail price’ na itinakda ng kanilang tanggapan at hindi dapat na magsamantala ang mga negosyante lalo ngayong nalalapit na ang kapaskuhan at bagong taon.

Hinikayat din ng DTI ang publiko na magsumbong sa kanilang tanggapan sakaling may alam silang mga negosyanteng lumalabag sa mga tuntuning ipinatutupad ng pamahalaan ukol sa tamang halaga ng mga bilihin lalo na ng mga produktong pang-noche buena. (BARecebido, PIA Sorsogon)