Wednesday, August 29, 2012

KBP BroadcasTreeing 2012





KBP “BroadcasTreeing”. Some 1,200 persons composed of students, representatives from different national government and non-government agencies, local government of Bulan, Sorsogon and media practitioners participated to the one-day tree planting activity of the Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas (KBP) Sorsogon Chapter on August 18, 2012 in Brgy. Bonga, Bulan, Sorsogon. The activity is to fully support the National Greening Program of the national government with the objective of planting and growing billion of trees until 2016. Through this activity, the KBP took advantage of the power of the broadcast media in echoing the message of the government. (BARecebido, PIA Sorsogon)



KBP “BroadcasTreeing”. At least 10,000 trees were achieved by the Kapisanan ng mga Broadcaster sa Pilipinas (KBP) Sorsogon Chapter in partnership with the DENR-CENRO, DepEd and the Rapu-Rapu Minerals, Inc. to be planted in the mountainous area of Brgy. Bonga in Bulan, Sorsogon on August 18, 2012. Dubbed as “Oplan BroadcasTreeing”, this activity is a response to the government’s call for the National Greening Program to plant 1.5 billion trees covering about 1.5 million hectares of uncovered land by 2016 and towards stronger public-private partnership. (BARecebido, PIA Sorsogon)

Aktibidad para sa Kasanggayahan Festival 2012 isasapinal


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 29 (PIA) – Matapos ang ilang serye ng mga pagpupulong nitong mga nakaraang linggo, nakatakda nang isapinal bukas ang mga aktibidad para sa darating na Kasanggayahan Festival 2012.

May temang “Kasanggayahan 2012: Sorsogon Paunlarin, Agrikultura’t Industriya Paunlarin”, itatampok sa pagdiriwang ngayong taon ang mga pinagkakakitaan ng mga Sorsoganon, produktong agrikultural, industriya, kultura at turismo ng Sorsogon.

Ayon kay Sorsogon Governor Raul R. Lee, hangad niyang magkaroon ng simple subalit makabuluhang pagdiriwang at tiyaking may maiiwan sa alalaa ng mga Sorsoganon kaugnay ng ika-118 selebrasyon ng Kasanggayahan Festival.

Kabilang sa mga aktibidad na itatampok sa Kasanggayahan Festival ay ang Kasanggayahan Trade Fair, Diskwento Caravan, Pasyaran sa Kapitolyo kung saan tampok dito ang pagsakay sa mga kalabaw, “Linanggang sa Kasanggayahan”, at marami pang ibang tiyak na aabangan ng mga Sorsoganon at mga dadayong turista dito.

Hindi rin umano mawawala ang “Pantomina sa Tinampo” na taliwas sa nakasanayang choreographed steps, ngayong taon ay ibabalik ang orihinal na sayaw at mas magiging malaya ang mga steps nito. Mas tatatak din umano sa isipan ng publiko ang pantomina dahilan sa bibigyan din ng pagkakataon ang mga ito na makilahok sa pagsasayaw ng pantomina sa kalsada. (BARecebido, PIA Sorsogon)


City Vet magsasagawa ng libreng Spaying at Neutering sa mga aso


LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 29 (PIA) – Nakatakdang magsagawa ng libreng spaying at neutering o pagkakapon ng mga aso ang tanggapan ng Sorsogon City Veterinary sa darating na ika-4 ng Setyembre ngayong taon.

Kaugnay nito nanawagan si City Veterinarian Dr. Alex Destura sa mga residente ng Sorsogon na samantalahin ang oportunidad na ito nang sa gayon ay matugunan ng lungsod ang suliranin sa paglobo sa bilang ng mga aso at ang maaaring pagkalat ng rabis.

Sa impormasyong ibinigay ni Media Relations Officer Arwill Liwanag ng Sorsogon City Veterinary Office ang naturang aktibidad ay isasagawa sa Plaza Bonifacio sa Brgy. Sirangan, Sorsogon City sa dating paradahan ng mga sasakyan ng traysikel sa syudad mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Inaasahan din ang pagdating ng mga beterinaryo at ilang mga tauhan ng Department of Agriculture Regional Office V upang tumulong sa gaganaping aktibidad.

Patuloy din ang paghikayat nila sa publiko na suportahan at tangkilikin ang nasabing aktibidad lalo’t wala namang anumang babayaran sa naturang serbisyo at ang tanging kailangan lamang ay dalhin ang kanilang mga alagang aso para mabiyayaan ng nabanggit na libreng serbisyo.

Samantala, patuloy pa rin ang Sorsogon City Veterinary Office sa panghuhuli ng mga asong gala sa buong syudad kasama na ang pagbabakuna ng libre ng anti-rabis sa mga aso. (FBTumalad/BARecebido, PIA Sorsogon)


Salt Fertilization ng PCA nagpapatuloy


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Agosto 29 (PIA) – Patuloy pa rin ang pamamahagi ngayon ng Philippine Coconut Authority (PCA) ng mga asin para sa kanilang salt fertilization program.

Ang salt fertilization ay isang paraan ng pagpapalago pa ng produksyon ng niyog kung saan lalagyan ng dalawang kilong asin ang paligid ng puno ng niyog sa distansyang 1.5 metro mula sa pinakapuno nito.

Ayon kay PCA Sorsogon OIC provincial head Lourdes D. Martizano, sinimulan nila ngayong Agosto ang pamamahagi ng mga asin sa iba’t-ibang mga barangay sa pamamagitan ng kani-kanilang mga Municipal Agriculturist.

Para sa taong 2012, target umano nilang maipamahagi ang kabuuang 6,840 na sako ng asin hanggang sa ika-15 ng Setyembre ngayong taon.

Aniya, mas nagiging malalaki ang bunga, mas makapal ang laman at mas nagiging matingkad ang kulay berdeng mga dahon ng niyog kapag isinailalim sa ganitong uri ng fertilization.

Matatandaang bago ang pamamahagi ay nagsagawa muna ng inspeksyon ang mga tauhan ng PCA Sorsogon sa mga taniman ng niyog sa lalawigan bilang paghahanda at matiyak na masusunod ng tama ang mga hakbang na kinakailangan. (BARecebido, PIA Sorsogon)