Thursday, June 6, 2013

DTI holds BPLS Assessment and Planning Workshop



SORSOGON CITY, June 6 (PIA) – The Department of Trade and Industry (DTI) Sorsogon headed by Provincial Director Leah Pagao conducted a one-day provincial assessment and planning workshop on the implementation of the streamlining of the Business Permits and Licensing System (BPLS) today at the Mango Grill, Magsaysay St., Sorsogon City.

In attendance to the activity were the Municipal/City Treasurers, Business Permits & Licensing Officers (BPLOs) and Municipal Local Government Operations Officers (MLGOO) from the 14 municipalities and the lone city of the Province of Sorsogon.

DTI Sorsogon Public Information Officer Senen Malaya said the activity aimed at providing a proper and effective venue to discuss different issues and concerns affecting the implementation of the BPLS reforms in the Province of Sorsogon.

“Specifically, it aimed to assess and evaluate the implementation of the BPLS in the 15 LGUs of the province; recognize best practices and check on LGU bottom lines; and identify issues and concerns among LGUs on the extent of BPLS implementation and look for possible solutions and actions based on the experiences and best practices of other LGUs,” said Mr. Malaya.

The BPLS is a nationwide streamlining program which is a simplified business registration process that will reduce the number of steps, application form and the number of signatories in business permit applications.

The program is a priority of President Benigno S. Aquino III as mentioned in his State of the Nation Address (SONA) in 2010.

“In response, to the President’s directive, the DTI and DILG launched the nationwide streamlining of BPLS on August 2010 with the RA 9485 and the Joint DILG – DTI Department Administrative Order No. 10 – 07 as the legal bases,” Mr. Malaya also said.

RA 9485 or the Anti Red Tape Act mandates government agencies to simplify frontline services procedures, formulate service standards to be observed in every transaction and make known these to the public.

The Joint DILG – DTI Department Administrative Order No. 10 – 07 meanwhile, spells out the Guidelines in Implementing the Nationwide Upscaling of Reforms in Processing Business Permits and Licenses in all Cities and Municipalities in the Philippines. (BARecebido, PIA Sorsogon/MEDoluntap,Jr, DTI)

VILLAR BATS TO PROTECT OFWS AS PH OBSERVES MIGRANT WORKERS DAY


SENATOR- elect Cynthia Villar renewed her call to the Philippine government to always protect and promote the welfare of over 10 million Filipino migrant workers as the nation commemorates Migrant Workers Day.

“It is fitting to celebrate the day of our Overseas Filipino Workers to remember and acknowledge their significant contributions to nation-building,” said Villar.

She said OFWs are worthy of being called our ‘modern day heroes’ because of their immense assistance in saving our economy through their remittances.

“We draw a lifeline from their remittances being sent to the country. The dollar remittances provide a big boost to our economy,” said Villar.

“We should address all the concerns of our OFWs, starting from their recruitment until the time they are already working in a foreign country,” she added.

To ensure the that the rights and well-being of Filipino migrant workers are safeguarded, Villar vows to continue the fight for the creation of the Department of Overseas Filipino Workers (DOFW)   when  the 16th Congress resumes in July.

The former Las Pinas congresswoman said she will re-file the measure on DOFW initially filed by her husband, outgoing Senator Manny Villar, but was not passed in the previous Congress.

“This will be one way of recognizing the importance of our OFWs,” said Villar, also managing director of the Villar Foundation which has been helping distressed OFWs for over two decades.

She believes there is a need to   centralize all the services and functions of concerned government agencies or bureaus for OFWs to effectively attend to their concerns in all aspects.

“The creation of a department dedicated solely to OFWs would simplify and harmonize efforts to look after them when there is a crisis and secure their welfare and rights during normal times,” she said.

She said this would also put an end to finger-pointing among government agencies involved in the evacuation and repatriation of our distressed OFWs, especially those who ran away from their abusive employers, and those in conflict areas. (Ref: Nini Rubia-Enrique - Telefax: 727-4223)

Pribadong kumpanya, nagsagawa ng inspeksyon sa mga tangke ng LPG sa Sorsogon



Ni: FB Tumalad

Lungsod ng Sorsogon, Hunyo 7 (PIA) - Nagsagawa nitong unang araw ng Hunyo ang 30 tauhan ng Lugus Double Trading Services (LDTS) ng inspeksyon sa mga kabahayan sa ibat-ibang bahagi ng lungsod ng Sorsogon upang magbigay kaalaman, babala at mahahalagang tip sa publiko hinggil sa pagtukoy ng depektibong tangke ng Liquified Petroleum Gas partikular ang Solane LPG na nabibili sa mga tindahan.

Base sa ipinakitang resibo ni Reynaldo Gattoc tumatayong Safety Consultant ng LDTS, na nakabase sa Commonwealth Avenue Fair View Park Quezon City, ang kumpanya ay pinamumunuan ni James Colleta.

Sinabi pa ni Gattoc  na mananatili sila sa loob ng isang buwan sa bawat probinsya sa kabikulan  para lamang magsagawa ng pag-aaral hinggil sa mga depektibong tangke at sinabi nito kung paano malalaman ang standard at sub-standard  o mapanganib na tangke.

Ayon pa kay Gattoc ang mga tangke na pumasa sa pagsusuri ng ahensya ng Department of Trade and Industry (DTI) ay markado ng nakaukit na PNS 1992-2000, habang ang sub–standard naman na tangke o hindi pumasa sa tamang pagsusuri ng DTI-Standards ay may nakaukit na 1980-1991.

Pangalawa sa mapanganib na tangke na dapat malaman ng publiko kung may bakas at palatandaang hinati sa gitna o pinutol at muling idinugtong gamit ang acetylene.

Ang pangatlong palatandaan ay ang pagkalabog sa tangke. Sa oras umano kinalabog ng matigas na bagay ang tangke at tunog lata ito ay nangangahulugang manipis ang materyal na ginamit at mapanganib ito oras na mabutas sapagkat maari itong sumabog.

Sakaling makita umano ang mga palatandaan sa biniling tangke, pinapayuhan nila ang mga mamimili na huwag itong tatanggapin at agad papalitan upang makaiwas sa sunog. Ang kaunting leakage ay maari ding pagmulan ng pagsambulat nito.

Abiso din ni Gattoc na palitan ang clamp ng hose pagkalipas ng tatlong buwan dahil nagkakaroon ito ng kalawang na maaring daanan ng singaw at maaring pagmulan ng sunog at masamang epekto sa kalusugan ng tao. Habang ang hose naman ng LPG ay dapat pinapalitan sa tuwing ika-anim hanggang walong buwan dahilan sa synthetic ito at natutunaw ng hindi namamalayan ng mga kasambahay na kadalasang pinagmumulan ng malaking pagsabog.

Subalit ayon sa DTI Sorsogon, maaring nagsasagawa ng adbokasiya ang nasabing kumpanya at nilinaw nito na walang naganap na koordinasyon sa kanilang tanggapan ang naturang kumpanya.

Nagbabala ang DTI Sorsogon sa publiko na doblehin ang pag-iingat lalo sa pagpapapasok ng mga taong katulad nito sapagkat kadalasan aniya ay ganito ang modus operandi ng mga masasamang loob na umiikot sa Metro Manila at umaabot na rin ito sa kabikulan. (FB Tumalad, PIA Sorsogon)

Send-off Ceremony para sa mga bagong iskolar isinagawa



Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 6 (PIA) – Emosyunal subalit puno ng excitement ang ginawang send-off ceremony noong Miyerkules, Hunyo 5, para sa 13 mga bagong iskolar ng La Verdad Christian College at ng UNTV, isang national TV station sa bansa.

Ginawa ang send-off ceremony sa 903rd Brigade Headquarters sa Brgy. Poblacion, Castilla, Sorsogon kung saan naroroon ang mga magulang ng iskolar upang magbigay ng suporta sa pag-alis ng kanilang mga anak.

Naroon din upang magbigay ng suporta si Mr. Danny Navales, ang Luzon News Bureau Manager ng UNTV kasama ang ilang reporter at cameraman, ilang media personality, Philippine Information Agency, Civil Military Officer ng 31st Infantry Battallion Capt. Armando S. Bohol,  at Municipal Secretary Mr. Edgar D. Ardales, Jr. na siyang naging kinatawan ni Castilla Mayor Olive Bermillo.

Katuwang ng La Verdad Christian College at UNTV ang 903rd Infantry Brigade ng Philippine Army sa pamumuno ni Col. Joselito Kakilala. Ang nasabing brigade ang nangasiwa sa paghahanap ng mga kwalipikadong iskolar mula sa iba-ibang mga komunidad sa lalawigan ng Sorsogon.

Hamon ng naging mga tagapagsalita sa mga iskolar na gawin ng mga ito ang nararapat bilang mga mag-aaral upang sa kanilang pagbabalik ay makatulong sila sa kanilang pamilya, sa kanilang komunidad at sa pamahalaan. Binigyang-diin din ang pagtanaw ng utang na loob sa Panginoon, sa magulang at sa mga tumulong sa pagkamit nila ng kanilang pangarap.

Ang mga iskolar ay mag-aaral sa La Verdad Christian College sa Apalit, Pampanga na binigyan ng kalayaang makapamili ng dalawa o apat na taong kursong nais nilang tapusin. Walang gagastusin ang mga iskolar sa kanilang pag-aaral. Tanging hiling lamang ng mga sponsor na ibigay ng mga magulang ang kaukulang suportang kailangan pa ng kanilang mga anak tulad ng paghikayat sa mga itong mag-aral ng mabuti at pagbisita din sa kanila sa panahong nag-aaral ang mga ito.  (BARecebido, PIA Sorsogon)


Sorsogon City BFP nagsagawa ng istriktong inspeksyon sa mga dormitoryo at paupahang tirahan sa lungsod



Mga tauhan ng City BFP habang ngasasagawa ng inspeksyon.

Ni FB Tumalad

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 6 (PIA) – Upang matiyak ang kaligtasan ng publiko lalo ang titira sa mga paupahang bahay sa lungsod ng Sorsogon, nagsagawa ng mahigit isang linggong inspeksyon ang mga tauhan ng Sorsogon City Bureau of Fire Protection sa mga paupahang silid o boarding houses na malapit sa malalaking paaralan sa lungsod.

Ayon kay City Fire Marshal CInsp Walter B. Marcial, sinimulan nila noon pang Mayo 20, 2013 ang pag-iinspeksyon. Aniya, bago nila isinagawa ang pagsusuri sa posibleng mga depekto ng kuneksyon ng kuryente sa loob ng mga kabahayan ay pormal silang nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng barangay.

Aniya, sa loob aniya ng pitong araw nilang pag-iinspeksyon sa mga establisimyento ay mayroong ilang mga paupahan ang nakita nilang nakasunod sa itinatakda ng Fire Code of the Philippines subalit  marami pa rin ang walang sapat na fire alarm, smoke detector at emergency light.

Ang smoke detector ay isang gadget na ikinakabit sa kisame sa alinmang bahagi ng paupahang bahay upang nagbibigay alarma sa oras na may usok o sunog at ang fire extinguisher naman ang siyang ginagamit bilang pang-apula ng sunog .

Base sa resulta ng inspeksyon ng Sorsogon City BFP, bukod sa nabanggit na kakulangan ay maramin ding nakitang depekto sa mga paupahang tirahan tulad ng walang maayos na fire exit o tamang lagusan na maaring takbuhan sakaling magkaroon ng sunog o emerhensya sa lugar.

Nagbigay na rin ng rekomendasyon ang BFP sa mga may –ari ng paupahang bahay na may paglabag sa Safety Standards at hiniling ang kooperasyon ng mga ito para sa kaligtasan ng lahat at maiwasan ang mga insidenteng may kaugnayan sa sunog.

Ang naturang aktibidad ay nakatuon sa pagsusulong kaligtasan ng mga ukopante partikular na ang mga estudyante na mananatili sa mga boarding house o dormitoryo ngayong pasukan.(FB Tumalad, PIA Sorsogon)

--------------------------------------------------------------------

SFO1 Dante D Ditan, C FSES led the team during the massive inspection of all boarding houses and dormitories within Sorsogon City.

Fire safety inspectors keenly inspect each establishment if it complies with the Implementing Rules and Regulations of R.A 9514 otherwise known as the Fire Code of the Philippines.