Thursday, March 14, 2013

Sitwasyon ng tubig sa Sorsogon iniulat ng SCWD



Ni: FB Tumalad

LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 14 (PIA) – Kung magpapatuloy ang pagbuhos ng ulan ngayong Marso inaasahang hindi magkakaroon ng paghina ng suplay ng tubig kahit pa yaong mga nakatira sa matataas na lugar sa lungsod ng Sorsogon.

Ito ang inihayag ng amunuan ng Sorsogon City Water District (SCWD) sa ipinadalang impormasyon nito sa mga kunsumidor ng tubig sa lungsod. Ayon dito, ang pinagkukunan ng inuming tubig ng Sorsogon City ay nanggagaling sa malalim na bukal at deepwell na may pambomba.

Sa tala ng SCWD, ang spring sources kapag maulan ay lumilikha ng 114 litro bawat Segundo (LPS) at kapag tag-init naman ay 36 LPS lamang, nababawasan ito ng 70 % sa panahon ng tag-ulan.

Ang kabuuang produksyon ng 12 deepwell at pumping station ng SCWD ngayon ay humigit-kumulang sa 160 LPS kung lahat ng ito ay gumagana.

Sa  kasalukuyan, ang mga kunsumidor na sinusuplayan ng  tubig ng SCWD sa lungsod ay  nasa 8,700 na kabahayan at nangangailanagan  ito ng 122.25 LPS average bawat araw kasama na ang 30 % tagas ng tubo.

Kapag peak hours o sabay-sabay ang paggamit ng tubig ng mga kunsumidor simula alas-sais hanggang alas-otso ng umaga at alas-onse ng umaga hanggang alas-otso ng gabi domodoble naman ang nagiging kunsumo ng tubig.

Lumalabas na ang kunsumo ng tubig tuwing peak hours ay nangangailangan ng 244.50 LPS, dito rin makikita na sa tuwing tag-ulan ay sagana ang suplay ng tubig at minsan ay sumusobra pa ito.

Subalit sa panahon naman ng tag-init, makikitang kulang na kulang ang suplay ng 48.50 LPS sa pangangailangan ng kasalukuyang bilang ng mga kunsumidor.

Inamin ng SCWD na malaking epekto ang sobrang pag-init dala ng Global Warming dahil maraming kabahayan ang gumagamit ng tubig, dagdag pa ang sabay-sabay na pagbukas ng gripo at pagkakaroon ng problema sa mga makinang ginagamit na umaasa din sa kuryente.

Samantala, tiniyak naman ng pamunuan ng SCWD na ginagawa nito ang lahat ng makakaya upang matugunan ang kinakailangang suplay ng tubig sa lungsod. Nanawagan din ito sa publiko na patuloy na maging responsable sapaggamit ng tubig at tiyaking naisasarado ng maayos ang mga gripo at linya ng tubo sa loob ng mga kabahayan.  (FB Tumalad, PIA Sorsogon)

Kampanya laban sa rabis higit na pinaigting, rabies-free Sorsogon target na maabot



Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 13 (PIA) – Sa kabila ng magandang record ng Sorsogon kaugnay ng kampanya sa rabis, patuloy pa rin ang lokal na pamahalaan ng Sorsogon sa pamamagitan ng Provincial Veterinary Office (PVO) sa pagpapaigting pa ng kanilang kampanya laban sa rabis.

Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Enrique Espiritu, sa pakikipagkawing sa Global Alliance for Rabies Control (GARC), target nilang maging rabies-free ang lalawigan ng Sorsogon kung kaya’t higit pa nilang pinaigting ang kanilang kampanya kung saan hiningi din nila ang tulong ng Sangguniang Kabataan sa buong Sorsogon upang maging mga volunteer vaccinator.

Ayon kay Dr. Espiritu, sa ginawa nilang inisyal na pagbabakuna nitong mga nakaraang buwan, nakita nilang epektibo ang naging pagtutulungan ng mga tauhan ng PVO at ng mga kabataan lalo pa’t sa loob lamang ng halos ay tatlong linggo ay umabot na sa 4,000 ang bilang ng mga nabakunahang aso.

Dagd pa niya na sa pamamagitan ng Communities Against Rabies Exposure (CARE) Project ng GARC, mababawasan ang pagdami pa ng populasyon ng mga aso at maiiwasan ang posibilidad ng paglaganap pa ng rabis sa tao man o sa aso. Mababawasan din umano ang suliranin sa kalusugan ng publiko na may kaugnayan sa kagat ng aso.

Sa kasalukuyan ay mayroong mahigit sa 52,000 populasyon ng aso sa buong lalawigan ng Sorsogon at target nilang mabakunahan ang 70 porsyento nito.

Kasama din umano sa programa ang pagbibigay ng tamang edukasyon sa publiko upang maiwasang malantad sa mga asong may rabis.

Nanawagan ang beterinaryo sa publiko na suportahan ang kampanya laban sa rabis at sa mga pet owners na maging responsable nang sa gayon ay maiwasan ang mas malala pang suliranin dala ng rabis. (BARecebido, PIA Sorsogon)


Monday, March 11, 2013

“Barakalan asin Patiribayan sa Bulan nin Kababayihan” pangungunahan ng DTI at PGADC

Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 12 (PIA) – Sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababihan ngayong Marso, patuloy pang pinaiigting ng Pamahalaang Lokal ng Sorsogon sa pamamagitan ng Provincial Gender and Development Council (PGADC) at ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagbibigay kakayahan sa mga kababaihang Sorsoganon.

Kaugnay nito, muling ipapakita ang angking husay ng mga ito sa larangan ng pagbebenta at kumpetisyon ng mga natatanging kasanayan sa gagawing “Barakalan sa Kapitolyo” at “Patiribayan sa Bulan nin Kababayihan” sa darating na Marso 14 hanggang Marso 16, 2013 sa Kasanggayahan Village, Capitol Compound sa lungsod ng Sorsogon.

Ang DTI ang siyang mangunguna sa nasabing mga aktibidad.

Ayon kay DTI Sorsogon GAD focal person Glenda Goingo, layunin din ng aktibidad na maipakita at maisulong ang mga gawang produkto ng mga babaing Sorsoganon na nagsisimula pa lamang magnegosyo partikular yaong mga nasa mahihirap na sektor.

Aniya, sa unang araw ay gaganapin ang mga kumpetisyon ng kasanayan tulad ng “pagsalad nin bay-ong” (bayong weaving) at “pagtilad nin pili” (pili nut cracking).

Sa loob aniya ng tatlong araw ay makikita sa mga itatayong bahay kubo malapit sa may gusali ng Provincial Tourism Office ang mga makakalikasang mga likhang produkto, mga pagkain at produktong agrikultural ng Sorsogon.

Dagdag pa ni Goingo na dahilan sa ang pangunahing layunin ng aktibidad ay ang himukin ang mga kababaihang Sorsoganon na pasukin ang pagnenegosyo at maipakita ang angking kasanayan nito sa pagsusulong ng kultura at tradisyon ng lalawigan ay inimbitahan ang lahat na mga munisipalidad at lungsod na magpadala ng mga lalahok. Wala din umanong bayad na kokolektahin mula sa mga lalahok.

Hanggang ngayong araw na lamang ang itinakda ng DTI para sa pagsusumiti ng mga entry form. (BARecebido, PIA Sorsogon)

Mga mamamahayag maaari nang mag-aplay ng Local Media Accreditation para sa Halalan 2013

Ni: FB Tumalad

LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 11 (PIA) – Matapos makipag-ugnayan sa tanggapan ng PIA at maipaliwanag sa mga media ng Sorsogon noong Pebrero 19, 2013 ang Local Absentee Voting (LAV) at ilan pang mahahalagang impormasyon kaugnay ng darating na halalan sa Mayo 2013, muling nakipag-ugnayan sa PIA Sorsogon si Provincial Election Supervisor Atty. Calixto Aquino Jr. upang matulungan ang Comelec Sorsogon para sa aplikasyon naman ng akreditasyon ng mga lokal na  mamamahayag.

Ayon kay Atty. Aquino, ang Local Media Accreditation (LMA) ay iniisyu para lamang sa mga lokal na mamahayag na aktibo sa serbisyo. Sa pamamagitan umano ng akreditasyong ito ay bibigyan sila ng Identification Card (ID) na pirmado ng komisyon nang sa gayon ay madali silang matukoy kung sila nga ay lehitimong media na nagsasagawa ng coverage sa panahon ng eleksyon.  

Kinakailangan lamang umanong isulat sa LMA Form ang buong detalye ng pagkatao ng media na nais magpa-akredit, pati na ang pangalan ng pinagsisilbihang istasyon at kung saan  ito madedestino  sa araw ng eleksyon.

Bawat kasapi ng media na mag-aaplay ng media accreditation ay magsumite ng tatlong piraso ng porma na lalakipan ng 2x2 ID picture.

Maaaring makakuha ng local media accreditation form sa tanggapan ng Comelec o sa PIA Sorsogon.

Kinakailangan umanong maisumite ang naturang aplikasyon sa tanggapan ng Comelec simula ngayon at hindi lalagpas ng Abril 15, 2013.

Kalakip sa aplikasyon ang indorsement letter ng kanilang pinagtatrabahuang istasyon ng radyo, telebisyon, pahayagan o ahensya ng balitaan sa internet. (FB Tumalad, PIA Sorsogon)

Sunday, March 10, 2013

903Bde has new Deputy Brigade Commander



903rd Deputy Brigade Commander Col. Samuel Felipe
CASTILLA, SORSOGON, March 8 (PIA) – The 903rd Infantry (Fight & Defend) Brigade based in Poblacion, Castilla, Sorsogon has a newly installed Deputy Brigade Commander effective February 16, 2013.

He is Colonel Samuel Fortuno Felipe FA (GSC) PA who will be the second in Command to the Commander of 903rd Brigade, Colonel Joselito E. Kakilala INF (GSC) PA.

Colonel Samuel F Felipe FA (GSC) PA, graduated as member of the “MAHARLIKA” PMA Class of 1984, who is also a mistah of the current 903rd Brigade Commander. He was born in Barcelona, Sorsogon on September 9, 1960. His mother is a full-blooded Bicolana while his father is from Mayantoc, Tarlac.

Prior to Colonel Felipe’s current position, he was the Command Inspector General of the Army Reserve Command, Philippine Army.

Early in his career as a military officer, he went through combat missions as Platoon Leader/Ex-O, Company Commander and Operations officer of 11IB, 3ID in Camarines Sur and Negros provinces.

His significant assignments in Mindanao include his being the Group Commander of 10RCDG, ARESCOM, PA; Deputy Commander and Executive Officer of Task Force Zamboanga 1st Infantry Division (ID), PA; and as Commanding Officer of 9th Field Artillery Battalion and 18IB, 1ID, PA.

His assignments both in Luzon and National Capital Region (NCR) were more of as Administrative/Opetaions Chief of different units such as SOLCOM & VISCOM, AFP and OG1, PA. He was also sent to foreign missions as Personnel Officer of PHILHSMET, INTERFET and PHILBATT, UNTAET last 1999-2000.

Due to his significant assignments and accomplishments, Colonel Felipe was awarded with generous awards such as Gawad sa Kaunlaran, Bronze Cross Medals, Military Merit Medals, Military Commendation Medals, Military Civic Action Medals, and Disaster Relief Operations Medal.

He was also given Long Service Medals for rendering almost 33 superb years in the military service. He was also recognized by several civilian partners throughout his tour of duty in different places of his assignments.

He is happily married with Mrs. Bernadine M. Felipe, with only one daughter, Tina Samuelle.

Colonel Felipe, as the Deputy Brigade Commander and at the same time the Task Force Commander in Masbate during election duty, affirms to assist and support the programs in the conduct of Internal Peace and Security Operations of the 903rd Brigade in the provinces of Sorsogon and Masbate. (Cpt MPPanesa, PA/PIA Sorsogon)

DTI, PGADC to host Mini Trade Fair and Skills Competition


Pagsalad nin Bay-ong

By: Bennie A. Recebido

SORSOGON CITY, March 10 (PIA) – The Department of Trade and Industry (DTI) Sorsogon Office in coordination with the Provincial Government of Sorsogon through the Provincial Gender Advocacy Council (PGADC) intensifies promotion of GAD and women empowerment in the province through a mini-trade fair and skills competition open to aspiring Sorsogon women entrepreneurs specifically in the marginalized sectors.

As member of the PGADC, the DTI under the leadership of provincial director Leah Pagao spearheads the activity.

Ms. Glenda Goingo, DTI’s GAD focal person, said that as women are once again highlighted this March, they have prepared activities that would enhance and promote the entrepreneurial skills of Sorsogon women especially from the marginalized sector, and at the same time help augment their livelihoods.

Pagtilad nin Pili
Dubbed as “Barakalan asin Patiribayan sa Kapitolyo sa Bulan nin mga Kababayihan,” the activity which will be held on March 14-16, 2013 at the kasanggayahan Village, Capitol Compound, Sorsogon City, will also be an avenue to showcase and promote the locally-made products of Sorsogon’s Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs).

"It will feature an array of environmental friendly local crafts and food as well as agricultural products developed and made by our very own women,” says Ms. Goingo.

The skills competition that will held on the first day will showcase identified skills on “Pagsalad sin bayong” (bayong weaving) and “pagtilad sin pili” (pili shell cracking) to stir the entrepreneurial awareness and cultural appreciation on the essence of Women’s Month in line with the promotion of culture and tradition of the province.

Buyers can take pleasure of the local MSMEs products from the trade fair huts that will be mounted near the Provincial Tourism Compound. Products to be sold will include include handicrafts, processed foods/native delicacies, agri-products (fruits and vegetables), organic products, ornamental plants, and health and wellness products. The three-day selling period will be from 9:00 am to 7:00 pm.

“We have encouraged the local government units (LGUs) to select the best entry as contestant in their area to stimulate province wide participation. And because our main objective to this activity is to highlight our women’s entrepreneurial skills and showcase our locally made products, we deemed not to collect any participation fee,” Ms. Goingo articulated.

This year’s theme of the Women’s Month celebration is “Kababaihan: Gabay sa Pagtahak sa Tuwid na Daan”. (BARecebido, PIA Sorsogon)



------------------------------------------------

Women’s Month Celebration 2013
“Patiribayan sa Bulan nin mga Kababayihan”
Skills Competition
March 14, 2013


I.            GENERAL GUIDELINES/MECHANICS:

Participants

ü  Maximum of fifteen (15) entries per  Category
ü  Duly endorsed accomplished Entry per category
ü  Deadline submission of entry to DTI-Sorsogon /PGADC on March 12, 2013

I.            Pagsalad Sin Bayong (Bayong Weaving/Making)

·         The competition is open to women handicraft weavers in the municipality with skills on bayong weaving.
·         A maximum of two (2) hours shall be allotted to the participants to weave/make the bayong.
·         Bayong Specifications and Raw Materials Requirements
-          The  design of Bayong will focus on utility basket (shopping bag)
-          Raw Material – Karagumoy, natural, ½” width of strips
-          Bayong Size    : L= 12” ; W=4”  ; H= 12”
-          Type of Weaving- Natural or Diagonal Weaving, Straight Weaving, “Kinabanan”, “Salanigo”, etc. or any weaving style distinct in the area can be applied.
-          Handle – Abaca twine can be applied or manipulated on handle of the bayong
-          No mould will be used in bayong weaving for this contest
-          Participants should bring their own knife, scissors, cutter or any other gadgets used in bayong weaving.
-          Materials to be used in bayong weaving will be shouldered by the organizer and will be distributed to the participants during the contest proper.


·         Criteria for Judging

-          Aesthetic Appeal (aesthetic design, originality of design, over-all appearance) – 35%
-          Craftsmanship (application of various weaving techniques/            Manipulation, maximize use of RM, neatness, cleanliness – 35%
-           Functionality/ Wearability (usefulness, durable, sturdy) – 20%
-          Best Time   (finished less than  two (2 ) hour will be given highest
Points) – 10%

II.          “PILI TIRILADAN”  CONTEST

·         The competition is open to interested women participants from the various Municipalities in the province of Sorsogon.  Duly endorsed entries by MGADC, must be submitted on or before March 12, 2013 @ DTI-Sorsogon Provincial Office/PGADC staff.
·         Contest proper will start at exactly 9:00 am, thus the participants are required to be at the venue 30 minutes before the contest starts.
·         Contestants should bring with them the tools to be used (bolo & Chopping board)

·         Criteria for Judging

-          Speed/Best Time ( 5 minutes maximum Time) – 50%
3 minutes          - 50 points
4 minutes          - 40 points
5 minutes          - 30 points

-           Quality : Whole Pili Kernel Presented
     90 pcs. and above, whole pili kernel – (40 points) – 40%
     70 – 89 pcs. whole pili kernel – (30 points)
     50 – 69 pcs. whole pili kernel – (20 points)

-          Cleanliness in the area – 10%

·         Specifications/Raw Materials & Other Requierments

-          Maximum of five (5) minutes shall be allotted to the participants
-          100 pcs. Of “lagting” (pili with shell) will be given to each participants.
-          Contestant with the best time and has a greatest number of whole pili kernel produced out of cracked pili shell will be declared as winner.

III.        Other Terms

·         Decision of judges is final.
·         The organizers will not be liable or accountable on whatever accidents that may harm the participants within the duration of the contest.
·         All entries shall become the property of PGADC.
·         Winners shall be announced immediately after the contest.
·         All winners, First, Second and Third Prizes will receive a Certificate of Recognition and Tokens.

---------------------------
BARAKALAN SA KAPITOLYO:
 
 PILI NUT CRACKING CONTEST

















BASKET WEAVING CONTEST