Wednesday, November 24, 2010

PRESYO NG MGA BILIHIN SA APEKTADONG LUGAR NG MT. BULUSAN, NANANATILI SA DATI - DTI Sorsogon


Tagalog News
SORSOGON PROVINCE (Nov. 24) – Walang naitatalang pagbabago sa galaw ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na apektado ng Mt. Bulusan.

Ito ang nagging pahayag ni DTI Consumer Welfare Desk Evelyn Paguio matapos silang magsagawa ng price monitoring nito lamang nakaraang mga araw.

Ayon kay Paguio, nananatili pa rin sa dating mga presyo ang mga pangunahing bilihin sa mga bayan ng Irosin, Juban, Casiguran at iba pang mga kalapit na lugar sa palibot ng Mt. Bulusan.

 Sa ngayon ay patuloy din ang kanilang monitoring sa mga presyo ng bilihin partikular na nalalapit na din ang Christmas season.

Umapela din ito sa mga negosyante na iwasan ang pananamantala at ipatupad ang mga presyo ng mga bilihin ayon sa itinatakda ng batas. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

No comments: