Thursday, October 6, 2011

Pagkakaroon ng sea ambulance a mga kostales na lugar isinusulong


Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, October 6 (PIA) – Isinusulong ngayon sa Sangguniang Panlalawigan ang pagkakaroon ng sea ambulance sa mga kostales na barangay sa lalawigan ng Sorsogon.

Ito ngayon ang pinagsisikapan ni Sangguniang Panlalawigan Board Member Benito Doma nang sa gayon umano ay magiging madali para sa mga residente sa mga lugar na ito na makaakses sa mga pangunahing serbisyo sakaling nahaharap sila sa mga kagipitan.

Ayon kay Doma, matagal na umanong nais ng lokal na pamahalaan ng Sorsogon sa ilalim ng pamumuno ni Governor Raul R. Lee na mabigyan ng pantay na oportunidad ang mga Sorsoganon partikular yaong mga nasa malalayo at kostal na lugar o mga nasa isla pagdating sa serbisyong pangkalusugan kung kaya’t malaki umanong kaginhawahan kung may mailalagay na sea ambulance dito.

Agad namang inayunan ng konseho ang mungkahi ni Doma kung kaya ipinarerepaso na ng Sangguniang Panlalawigan sa budget officer kung may pondong maaaring magamit para dito.(HBinaya/PIA Sorsogon)

No comments: