Tuesday, November 6, 2012

Opisyal na mga drayber ng Municipal at City Police Station sa Sorsogon NC II Accredited na ng TESDA


Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, November 6 (PIA) – Pumasa ang lahat ng mga itinalagang official driver ng sasakyan ng mga Municipal Police Station at City Police Station ng Sorsogon Police Provincial Office (SPPO) sa isinagawang Competency Assessment ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA).

Ang nasabing mga opisyal na drayber ay makakakuha ng Driving National Certification (NC ll) mula sa TESDA.

Ang Competency Assessment ay naisakatuparan sa kahilingan na rin ng Sorsogon Police Provincial Office kaugnay ng pagsasagawa nito ng Pagsasanay para sa Preventive Maintenance ng lahat ng sasakyan ng PNP kasama na rin ang pagsasanay para sa Defensive Driving noong Oktubre 30, 2012 sa Camp Salvador C. Escudero Sr. Sorsogon City.

Naroroon sa aktibidad sina PSupt Angela Q. Rejano, Administrative Officer ng SPPO upang magbigay ng pambungad na pananalita at si PSupt Robert AA Morico II, Deputy Provincial Director for Administration upang magbigay naman ng mensahe at inspirasyon.

Sina Ginoong Ricardo Detecio, Robert Chil at Dante Desuyo ang nagsilbing kinatawan ng TESDA Sorsogon Field Office at siya ring naging lecturer at tagapagsanay sa nasabing aktibidad.

Ayon sa mga ito ang Defensive Driving ay ang pagsasagawa ng mga kaukulang pamamaraan upang maiwasan ang anumang aksidente sa lansangan sa kabila ng kamalian o paglabag ng ibang motorista at mga tumatawid sa kalsada.

Ang Defensive Driver naman umano ay dapat na tinitiyak na nasa maayos at ligtas na kondisyon ang minamaneho niyang sasakyan. (BARecebido, PIA Sorsogon/Photos by SPPO)

Monday, November 5, 2012

Carabao parade and racing contes

(Photos courtesy of Maloha Hatoc)
Carabao Parade and Racing Contest. A one-of-a-kind carabao racing and “beauty” contest was held at Balogo Sports Complex with carabaos artistically painted and paraded on Oct 15, 2012 coinciding Sorsogon’s Kasanggayahan Festival. About 9 carabaos tended by its owners joined the “Parada san mga Karabaw at Paralanatan san mga Karabaw”. Amid the intermittent rains, hundreds of spectators gather to watch the locally-bred 300 meter carabao race. Carabao parade and carabao race does not only preserve our culture but also a way of promoting the carabao as our country’s national symbol, and as the farmer’s main work animal. Winner for the Most Attractive Carabao was bagged by the owner Rolly Himor of Boton, Casiguran. He also took home P2, 000.00 cash prize. While Eleonor Espinocilla of Gubat bagged the first prize with a P3, 000.00 cash reward for the racing contest. Ranny Buenaobra took home the second prize and the P2, 000.00 prize money while Steven Rodriguez went home with P1, 000.00 for third prize. (BARecebido, PIA Sorsogon)

Tsuper at pasahero ng mga sasakyan pinag-iingat



Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Nobyembre 5 (PIA) – Mahigpit ang abiso ng mga awtoridad sa mga tsuper at pasahero ng mga sasakyan na pag-ibayuhin ang pag-iingat sa kanilang pagmamaneho at pagsakay sa maliliit man o malalaking sasakyan.

Ito ay matapos na makapagtala ng ilang mga aksidente sa kalsada dito sa Sorsogon sa pagpasok ng unang araw ng Nobyembre hanggang kahapon kung saan noong Nobyembre a-uno ay nabunggo ng isang Mega Bus Line mula Maynila patungong Bulan, Sorsogon ang isang Honda scooter sa Barangay Monbon, Irosin, Sorsogon, at isang Yamaha RS ang nahagip naman ng isang Isuzu Elf Truck sa Maharlika Hiway, Barangay Cumadcad, Castilla, Sorsogon.

Noong a-dos ng Nobyembre ay isang traysikel at isang motorsiklo ang nagbanggaan sa harap ng Matnog Municipal Building sa Brgy Camcaman, Matnog Sorsogon. Pawang minor injuries lamang ang natamo ng mga sangkot sa aksidente na agad namang nalapatan ng kaukulang lunas sa mga pinagdalhang ospital ng mga ito.

Subalit kahapon, isang motorsiklong may lulang tatlong pasahero at isang traysikel ang nagbanggaan sa Brgy Bibincahan, Sorsogon City, na naging sanhi ng kamatayan ng drayber ng motorsiklo.

Kaugnay nito, mahigpit ang abiso ng mga awtoridad sa mga tsuper na mag-ingat sa kanilang pagmamaneho sa kalsada at iwasan din ang overloading hindi lamang sa mga tsuper ng motorsiklo at traysikel kundi maging sa mga bus lalo pa’t dagsa pa rin ang mga pasaherong nais bumyahe patungong hilaga at timog na bahagi ng bansa.

Payo din ng mga awtoridad na iwasan ang pagsakay sa mga kolurom na mga sasakyan, maging ito man ay sasakyan sa kalupaan o sasakyang pandagat. Dapat din umanong tiyakin ng mga tsuper na nasa tamang kondisyon ang kanilang mga sasakyan bago ito gamitin.

Samantala sa naging tala ng Philippine Coast Guard (PCG) District Sorsogon umabot sa 13,199 ang bilang ng naging mga pasahero sa tatlong malalaking pantalan sa Sorsogon mula Oktubre 31, 2012 hanggang kahapon, Nobyembre 4, 2012, kung saan 8,749 sa kabuuang bilang na ito ay naitala sa pantalan ng Matnog. (BARecebido, PIA Sorsogon)


ERE ng PCG titiyak sa kaligtasan ng paglalayag ng mga sasakyang RoRo



Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Nobyembre 5 (PIA) – Upang matiyak ng Philippine Coast Guard (PCG) ang maayos at ligtas na byahe ng mga malalaking sasakyang pandagat hindi lamang sa panahong dagsa ang mga pasahero kundi maging sa regular na mga pagbyahe nito, sinimulan ng PCG Detachment ng Matnog ang pagsasagawa ng Emergency Readiness Evaluation (ERE) sa mga tauhan o crew ng Roll-on Roll-off (RoRo) Vessel na may byaheng Matnog, Sorsogon patungong Allen at Dapdap sa Northern Samar.

Sa panayam ng PIA kay SW1 Michelle E. Pantangan ng PCG Sorsogon Station, sinimulan ng Coast Guard Detachment Matnog ang pagsasailalim sa mga tauhan ng sasakyang RoRo kalagitnaan ng Oktubre ngayong taon at magpapatuloy pa umano ito hanggang sa matapos na nila ang siyam na mga barkong may rutang Matnog-Allen-Matnog at Matnog-Dapdap-Matnog.

Dalawa umano sa siyam na mga Roro vessel ang natapos na nilang isailalim sa ERE nitong Oktubre at ngayong tapos na ang pag-obserba ng Undas ay sisikapin nilang maisailalim na rin ang pitong natitira pang mga barko.

Aniya, lahat ng ‘man over board’ ng mga barkong RoRo mula sa may pinakamataas hanggang sa may pinakamababang ranggo ay dapat na sumailalim sa ERE kung saan natatasa dito ang kakayahan ng mga tauhan ng RoRo pagdating sa mga sumusunod: Abandonship, Fire in Port and at Sea, Collission at Port and at Sea, Emergency Steering at Man Overboard.

Mahalaga din umanong nakukuha ng mga barkong naglalayag ang mga feedback o saloobin ng mga pasahero ukol sa serbisyong ibinibigay ng nasasakyan nilang mga barko.

Sa pamamagitan ng ERE tinitiyak ng Philippine Coast Guard na maiiwasan ang anumang mga sakuna sa karagatan sanhi ng kapabayaan o di kaya’y pagkakaroon ng anumang hindi inaasahang pangyayari. (BARecebido, PIA Sorsogon)


Wednesday, October 31, 2012

BFP SORSOGON CITY ON ALERT FOR “OPLAN KALULUWA”



SORSOGON CITY, October 31 (PIA) - The Bureau of Fire Protection Sorsogon City spearheaded by SInsp Walter Badong Marcial will deploy three (3) fire trucks near cemeteries of Bacon District and Sorsogon City proper in preparation for the observance of All Saint and All Soul’s Day tomorrow, Nov. 1 and on Friday, No. 2.

“As part of our yearly activities, we deploy our fire trucks and personnel to render assistance in case the public needs our help,” SInsp Marcial said as they geared up for the said activity dubbed as “OPLAN KALULUWA”.

It can be recalled that during this season, the influx of people going to cemetery is at its peak during Nov. 1 to pay visit and pray for the souls of their departed loved ones. Considering the increasing number of people during this time, chances of any untoward incidents are foreseen.

“In this time of year, it is anticipated that accidents are prone to happen in the cemetery as well as at home, where some who cannot go to the cemetery prefer to light candles for their loved ones,” SInsp Marcial stated as he further reminded the public to be more cautious and vigilant to avoid fire incidents and other related emergency cases due to negligence.

Prior to the implementation of the “Oplan Kaluluwa”, SInsp Marcial also gathered his men for a meeting to iron out operational guidelines to be implemented by his personnel to ensure the safety of the public during this time.

He also ordered the deployment of fire trucks and fireman visibility within the Sorsogon City cemeteries particularly at Sorsogon City Memorial Garden located at Brgy. Bibincahan, Msgr. Barlin Street in Brgy. Sampaloc and Bacon Catholic Cemetery in West Bulod, Bacon District.

Along with this, the personnel from Fire Safety Enforcement Section will also conduct information drive in which leaflets entailing fire safety tips will be disseminated to the people in the area to prevent the potential fire incidents to occur thus upholding fire safety among the public.

One of the mandated functions of the BFP is to render immediate assistance to all persons who are in need of helping in case of emergency. Thus, the BFP persistently appeals for the cooperation of the public to ensure the safety of everyone. (MGECorral, BFP/BARecebido, PIA Sorsogon)

Panawagan ng Comelec: “Last Hour Attitude” ng mga Pilipino baguhin na



Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Oktubre 31 (PIA) – Sa kabila ng dalawang taong panahong itinakda ng Comission on Elections (Comelec) para sa Continuing Voter’s Registration at Validation, dagsa pa rin ngayong huling araw sa tanggapan ng Comelec ang mga botanteng nais magparehistro para sa 2013 midterm elections.

Ayon kay Provincial Election Supervisor Atty. Calixto Aquino, Jr., ang nakagawiang “last hour attitude” at “manana habit” ng mga Pilipino ang nais na baguhin ngayon ng Comelec kung kaya’t determinado silang sundin ang itinakdang panahon ng voter’s registration at validation, at huwag nang magbigay pa ng anumang extension ito.

Aniya, isasara na ang pagtanggap ng mga botanteng magpaparehistro alas singko ng hapon mamaya. Sinabi ng opisyal na sa ipinalabas nilang guidelines, kung mahaba pa ang pila, alas tres ng hapon ay ililista ng assistant colemec supervisor ang pangalan ng mga magpaparehistro at tatawagin ito ng tatlong beses, sakaling wala sila sa loob ng tanggapan ng Comelec ay hindi na ito bibigyan pa ng pagkakataong makapagparehistro.

Kahit pa umano nakapagsumite na ito ng application form kung hindi siya dumaan sa biometrics registration ay hindi siya kunsideradong lehitimong botante sa 2013.

Ginagawa nila umano ang ganitong hakbang nang sa gayon ay madisiplina at matuto ang mga Pilipino na sumunod sa itinatakdang mga patakaran at maalis na ang mga kaugaliang hindi nakakatulong para sa maayos na operasyon ng mga tanggapan tulad ng Comelec. Mahaba na rin umano ang palugit na ibinigay ng Comelec para sa mga ito kung kaya’t wala na silang dahilan pa upang magreklamo.

Sa bahagi naman ng validation, sinabi niyang mas magandang ma-validate ng botante ang dati nitong voter’s registration, subalit nilinaw din niyang maaari pa ring makaboto ngayong 2013 elections ang botanteng hindi nakapagpa-validate, dapat lang umanong nakaboto ito ng dalawang magkasunod nitong nakaraang mga eleksyon, noong 2010 national election at Barangay at Sangguniang Kabataan election.

Samantala, sa pinakahuling tala ng Comelec Sorsogon Provincial Office noong Hunyo 2012, nasa 18,185 ang mga bagong botanteng nagparehistro, subalit ilang mga munisipyo ang hindi pa nakapagsusumite sa kanila ng mga datos ng bagong botante sa kani-kanilang mga lugar.

Noong 2010 election nasa 395,371 ang kabuuang bilang ng mga botante. 

Samantala, sa lungsod naman ng Sorsogon, sinabi ni City Election Supervisor Atty. Ryan Filgueras na 80,000 hanggang 85,000 ang inaasahan nilang bilang ng mga lehitimong botante ngayong 2013 midterm elections sa Sorsogon City.

Malaking tulong umano ang isinagawa nilang satellite registrations sa mga barangay upang maabot ang mga botanteng kwalipikadong magparehistro mapabilis ang pagproseso ng mga voter's registration. (BARecebido, PIA Sorsogon)