Thursday, November 18, 2010

MT. BULUSAN UPDATES

Tagalog News

SORSOGON PROVINCE (Nov. 17) – Sa nakalipas na mga oras simula nang maitala ang pinakahuling pagbuga ng abo ng Mt. Bulusan noong lunes ng gabi, nanatiling tahimik ang bulkang Bulusan hanggang sa kasalukuyan, maliban na lamang sa mahihinang paglabas ng mapuputing usok patutungong NorthWest direction.

Labingsiyam na volcanic earthquakes naman ang naitala sa nakalipas na dalawampu’t apat na oras. Nakapagtala din ang Phivolcs ng average of 44 tons per day na sukat ng sulfur dioxide emission.

Alert Level 1 pa rin ang ipinatutupad at nananatili ang no activity advisory ng Phivolcs sa 4-km PDZ at pinaaalalahan pa rin nito ang publiko na maging alerto at mapagmasid.

Samantala, sa flash report na ipinalabas naman ng DOH Health Emergency Management Staff na may petsang Nov. 15, 2010, isa ang naitalang namatay sa Brgy. Cogon, Irosin, Sorsogon sanhi ng Status Asthmaticus o hika. Base sa ating research, Status asthmaticus is an acute exacerbation of asthma that does not respond to standard treatments of bronchodilators and steroids.

Kinilala itong si Rolando Purino, Jr. 28 taong gulang. Ayon sa report, isang araw bago namatay si Purino ay nagsagawa ng medical consultation sa mga apektadong residente ang RHU at MHO subalit hindi ito komunsulta o kaya’y dinala ospital. Namatay si Purino sa kanilang bahay.

Kaugnay nito, mahigpit ang panawagan ng PHO sa mga residenteng apektado na pangalagaan ang kanilang kalusugan, agad na komunsulta at sumunod sa mga payong pangkalusugan na ibinibigay ng mga health authorities. (Bennie A. Recebido, PIA Sorsogon)

No comments: