Thursday, November 18, 2010

PAGREPASO SA INTERNALRULES & PROCEDURES NG MGA LGU IMINUNGKAHI NG DILG

Tagalog News

SORSOGON PROVINCE – Ilang mga reaksyon na rin ang sa ngayon ay nakararating na sa tanggapan ng Department of Interior and Local Government Sorsogon Provincial Office ukol sa mga inefficiency ng mga nahahalal na opisyal sa Barangay at partikular na rin sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan.

Ilan sa mga ito ay ang irregularities in attendance ng mga opisyal sa kanilang sesyon. Sa panig ng SK, isa sa nakikitang kadahilanan ay sapagkat nag-aaral ang karamihan sa mga SK chairs at councilors sa mga malalayong paaralan.

Kaugnay nito, iminungkahi ni DILG Provincial Director Ruben Baldeo sa mga LGUs na repasuhin ng mga ito ang kanilang Internal Rules and Procedures sapagkat sa paglipas diumano ng mga panahon ay nagiging obsolete na rin ito at kailangan na ring amyendahan o palitan.

Partikular niyang binigyang-diin na repasuhin ng mga ito ang mga provision ukol sa number of attendance sa sesyon at performance assessment ng mga halal na opisyal.

Nakasaad din aniya sa internal rules and procedures na ang mga SK officials ay maaaring mag-enrol sa pinakamalapit na State Universities and Colleges upang di gaanong maapektuhan ang function nito bilang opisyal kahit pa nag-aaral ang mga ito. (Bennie Recebido, PIA Sorsogon)

No comments: