Wednesday, January 26, 2011

PANGALAWANG GRUPO NG US MEDICAL MISSION NA MAGBIBIGAY NG LIBRENG OPERASYON PARA SA MGA SORSOGANON, DUMATING NA SA SORSOGON


TAGALOG NEWS

SORSOGON CITY (January 24) – Matapos ang pagbibigay ng libreng serbisyong medikal ng unang grupo ng US medical mission group nitong nakaraang lingo, sinimulan na rin kahapon ng pangalawang grupo ng mga surgeons ang 2nd batch ng libreng gamutan ditto sa Sorsogon.

Ayon kay provincial Health Officer Dr. Edgar Garcia, magandang oportunidad ang ibinibigay ngayon ng grupo ng US based D’ Bicolanos and Friends Foundation Incorporated na nakabase sa Washinghton, DC para sa lahat na mga mayroong suliranin sa kalusugan na kailangang ma-operahan subalit kapos sa perang gagastusin para dito.

Mula kahapon, magtatagal ang libreng operasyon ng mga ekspertong doktor hanggang sa January 28 kung saan manginginabang ditto ang mga pasyenteng may cleft palate, myoma, at iba pang mga gynecological related problems.

Para sa mga walk-in patients, maaari silang dumirekta sa Sorsogon Provincial Hospital subalit nilinaw ni Garcia na ikakategorya sila sa waiting list dahil bibigyan muna ng prayoridad yaong mga una nang nakipag-ugnayan sa kanilang mga Rural Health Unit o sa district hospitas.
Matatandaang katatapos lamang magbigay ng libreng operasyon ng unang grupo ng mga doktor na kabilang sa D’ Bicolanos and Friends Foundation Incorporated nitong nakaraang Enero 17-21, 2011.

Paalala ni Garcia sa mga pasyente na nagnanais na maka-benepisyo ng libreng operasyon, maliban sa mga cleft patients, na kailangang mayroon itong kasamang dalawang blood donors.
Ang aktibidad ay isa mga pilot projects ni Sorsogon Governor Raul R. Lee na may mithiing patuloy na mapangalagaan ang kalusugan ng mga Sorsoganon. (BARecebido with reports from VLabalan, PIA Sorsogon)



No comments: