Monday, January 17, 2011

Sorsogon PNP celebrates Ethics Day



        Ipinagdiwang kahapon ng Sorsogon Police Provincial Office ang 17th Philippine Ntional Police Ethics Day sa Sorsogon Police Provincial Office Ground, Camp Salvador C. Escudero, Sr na may temang: “PNP, leading the straight path towards excellent service”.

        Sentro ng selbrasyon ang pagbibigay parangal sa mga natatanging mamamayan sa probinsya na nagbahagi ng kanilang serbisyo at oras para sa bayan. Ang mga sumusunod ay sina: SPO4 Eduardo O. Balaoro, Sr. at SPO4 Cosme P. Carrasco ng Police Non Commissioned Personnel, Police Chief Inspector Rogelio Beraquit  ng Provincial Public Safety Company, Ella J. Pancho ng Non-Uniformed Personnel. Kasama din sa pinarangalan ang Provincial Council for Community Elders sa pamumuno ni G. Fernando Duran, Jr., dating alkalde ng bayan ng Sorsogon at G. Noel L. Pura  para sa disaster trainings  na kinundukta  kasama ang  mga pulis.

        Si Councilor Rogelio Jebulan ng Sorsogon City ang naging pangunahing tagapagsalita. Nagkaroon din ng command conference pagkatapos ng parangal na pinangunahan ni Regional Director Police Senior Superentendent Cecilio Calleja.

        Ang highlight ng selebrasyon ay ang  symposium on values  formation na nagging pangunahing lecturer ay si Rev. Fr. Joseph Erestain , Rector at Principal ng Our Lady of Penafrancia Seminary na nagbigay linaw sa iba’t-ibang kaugalian ng mga Pilipino  at ang patuloy na tiwala ng mga mamamayan sa  mga kapulisan.
       
       

No comments: