Thursday, September 29, 2011

Kondisyon ng panahon sa Sorsogon balik na sa normal


Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, September 27 (PIA) – madaling araw na nang tuluyang humupa ang pag-uulan at malalakas na pagbugso ng hangin sa Sorsogon. Sa kasalukuyan ay nanantiling makulimlim ang panahon at maiitim pa ang ulap s apapawirin subalit masasabing normal na ang kondisyon ng panahon dito. May mga manaka-naka pa ring pag-uulan sa ilang bahagi ng lalawigan ngunit may ilang mga lugar na rin dito ang sumikat na ang araw.

Balik na rin sa normal ngayon ang klase sa lahat ng antas matapos na suspindihin ito kahapon dahilan sa bagyong pedring.

Matapos namang alisin ang babala ng bagyo sa lalawigan kaninang madaling araw, pinayagan na rin ng Coast Guard Sorsogon, alas-otso ng umaga kaniana na makapaglayag ang mga naistranded na sasakyan at pasahero sa pantalan lamang ng Matnog, subalit muli itong sinuspindi daong alas-nueve  kwarenta y singko ngayong umaga dahilan sa abnormal pa ring galaw ng hangin at alon sa karagatan. Habang nanatiling suspindido pa rin ang operasyon ng mga sasakyang pandagat sa mga pantalan ng Bulan at Pilar, Sorsogon dahilan sa malalakas na hangin at alon. Subalit tiniyak naman ng Coast Guard na sa oras na maging normal na ang lagay ng hangin at karagatan ay agad din nilang papayagang makapaglayag na ang mga ito.

Sa pinakahuling tala ng Coast guard sa bilang ng strandees, napag-alamang sa Matnog, umabot sa 1,113 katao ang istranded, 20 bus, 7 truck, 8 kotse at dalawang maliit na sasakyang pandaga. Sa Pilar, 180 katao ang istranded, 3 truck, 2 maliit na sasakyang pandagat at 3 motorized banca. Habang sa Bulan naman ay 75 katao ang istranded at isang motorized banca.

Ilang mga bangkang nakadaong din ang nairejistrong nawawala matapos na maputol ang mga tali nito at tangayin ng malalakas na alon, subalit ilan sa magi to ang narekober na rin kaninang madaling araw habang pinaghahanap ang iba pa.

Wala namang naitalang major flooding at landslide sa Sorsogon. Maliban sa mahigit 250 evacuees mula sa Brgy. talisay at Brgy. Sirangan sa Sorsogon City kahapon ay wala nang iba pang mga evacuees na naitala dito. Nakauwi na rin ang mga ito kaninang umaga.

Sa kasalukuayn ay patuloy ang pag-iikot ng City, Municipal at provincial Disaster Risk Reduction Management Council upang tasain ang danyos na dinala ng bagyong Pedring sa Sorsogon. Patuloy din ang pagsasagawa ng clearing operation s ng Department of Public Works and Highways, provincial Engineering office at ng Sorsogon Electric Cooperative (SORECO). Wala ding suplay ng koryente dito ngayon alinsunod na rin sa nakaiskedyul na clearing at maintenance operation ng National Grid Corporation of the Philippines. (PIA Sorsogon)

No comments: