Thursday, September 29, 2011

Updates on Typhoon “Pedring”


Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, September 26 (PIA) – Nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan na may pabugsong hangin madaling araw kanina. Walang kuryente sa buong lalawigan.

Sa ngayon ay mahina na lamang ang pag-uulan subalit malaks pa rin ang hangin. Samantala, nakastand-by on alert ngayon ang DRO Teams ng 9th ID, PA bunsod ng posibleng pananalasa ng bagyong “Pedring”.

Sinabi ni Maj. Angelo Guzman, tagapagsalita ng 9ID, kahapon pa activated na ang lahat ng rescue teams ng 9ID at nakadeploy na sa kani-kanilang areas of responsibilities. Ang 901st IB na nakabase sa lalawigan ng Albay ay nagpadala na ng mga sundalo at military trucks kasabay ang pakikipag-ugnayan sa local na pamahalaan doon at sa DRRMC.

Samantala, ang 83rd IB ay nagpadala na rin ng karagdagang tropa sa bayan ng San Andres sa lalawigan ng Catanduanes para sa anumang kaganapan. (PIA Sorsogon)

No comments: