Tuesday, October 18, 2011

903rd Infantry Brigade ng Philippine Army nakilahok sa isinagawang coastal clean-up


Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, Oktubre 18 (PIA) – Isang coastal clean-up ang nilahukan ng mga tauhan ng 903rd Infanty Brigade ng Philippine Army na nakabase sa bayan ng Castilla, Sorsogon noong Biyernes, Oktubre 15, 2011 sa mga kostal na lugar ng Brgy. Poblacion, Castilla, Sorsogon.

Ayon kay Col. Felix J. Castro, Jr., Commanding Officer ng 903rd IB ng Philippine Army, pinangunahan ang nasabing aktibidad ng Sangguniang Kabataan at Brgy. Council ng Poblacion Castilla kung saan nakilahok din ang mga kinatawan ng Youth for Environmental Service (YES) Organization, Poblacion Brgy. Council at limampung mga mag-aaral na pawang nasa ikatlo at ikaapat na taon sa hayskul sa Poblacion National High School.

Aniya, nasa isangdaan limampung metrong kostales na lugar sa Brgy. Poblacion ang nalinisan sa pamamagitan ng tulungang adhikaing ito. Mahigit tatlong oras din ang ginugol nila sa paglilinis na sinimulan nila ng alas-syete ng umaga at natapos alas-dyes y medya ng umaga.

Samantala, nakatakdang ring tumulong sa gagawing medical mission ng TV5 sa ilang mga piling kostales na lugar sa Matnog.

Matatandaang una nang iniskedyul ang aktibidad noong Oktubre 12, 2011 subalit dahil sa malalaking along dala ng bagyong Ramon kung kaya’t ipinagpaliban nila ito.

Ang pagtulong sa nasabing aktibidad ay bahagi ng kanilang pakikipagkawing sa mga non-government at private organizations upang maihatid sa mga komunidad ang pangunahing serbisyong kailangan ng mga ito. (PIA Sorsogon)


No comments: