Thursday, March 15, 2012

Recruitment ng PNP SAF para sa taong 2012 nagpapatuloy


Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, Marso 15 (PIA) – Nagpapatuloy ang recruitment para sa mga kwalipikadong aplikante na nais maging kasapi ng Philippine National Police Special Action Force (SAF) ngayong taon.

Ayon kay Police Community Relations at Public Information Officer PSI Romeo Gallinera ng Sorsogon Police Provincial Office,  mayroon pang bakanteng 289 slots para sa mga aplkanteng nais mapabilang sa PNP SAF. Kinakailangan lang umano na magsumite ang mga aplikante ng mga sumusunod na rekisitos: 

Puting folder na may puting tag o etikita kung saan nakapaloob ang mga sumusunod: tatlong kopya ng kanilang Personal History profile; dalawang kopya ng fingerprint card at handwritten specimen o pirma; kopya ng Birth Certificate (Original security paper galing National Statistics Office); Police Eligibility; Transcript of Records; Diploma; Barangay Clearance; Mayor’s Clearance; Police Clearance; Municipal Trial Court (MTC) Clearance; Regional Trial Court (RTC) Clearance; Prosecutor’s Clearance; National Bureau of Investigation (NBI) Clearance; Directory of Intelligence (DI) Clearance; at Certificate of Good Moral mula sa simbahan at sa pinakahuling paaralan kung saan siya nag-aral.

Dagdag pa ni Gallinera na dapat na magsumite ang mga aplikante ng kanilang application folders sa 22nd Special Action Company, 2SAB, Lalaguna, Mobo, Masbate para sa initial screening at evaluation.

Maaari din umanong bumisita sa Administration Office, Camp Salvador C Escudero Sr., Sorsogon City para sa karagdagang impormasyon. (SPPO/BARecebido, PIA Sorsogon)
(Photos, courtesy of PO2 Mike Espena, SPPO/PIA Sorsogon)


No comments: