Monday, March 4, 2013

Marso: Buwan ng Pag-iwas sa Sunog



MARSO: BUWAN NG PAG-IWAS SA SUNOG (Fire Prevention Month)

Ang buwan ng Marso ay kilala bilang Buwan ng Pag-iwas sa Sunog o ang Fire Prevention Month sa Pilipinas. Ito ay isang kaganapan na nagpapaalala sa mga mamamayan na bagaman ang sunog ay isa sa unang teknolohikal na natuklasan ng tao, ito naman ay madaming nang kinitil na buhay, sinirang mga ari-arian at winasak na pangarap.

Ang Bureau of Fire Protection (BFP) ay naghanda ng pambahay at pangsagip-buhay na tips para sa mga mamamayan. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Mga Kandila at Lampara

·         Ilayo sa mga bata ang mga posporo at lighter.
·         Ang mga lampara at kandila ay kinakailagang malayo sa mga kurtina. Huwag ito sindihan malapit sa bintana, electric fan, o kung saan malapit ang mga bata at mga alagang hayop dahil  madali nila itong mabagsak o matumba. Patayin ang apoy o ningas bago matulog.

2. Vehicular fires

·         Iwasang manigarilyo o gumamit ng kahit na anong apoy habang nagpapa-gasolina ng sasakyan o habang iniinspeksyon ang tanke ng gasolina, radiator o ang baterya.
·         Magkabit ng portable fire extinguisher sa loob ng sasakyan
·         Madalas suriiin ang wiring insulation ng sasakyan upang maiwasan ang pagkakaroon ng short circuit.

3. Mga Sigarilyo at Posporo

·         Huwag mag-iwan ng may sinding sigarilyo sapagkat ito ay maaring mahulog sa mga gamit na madaling umapoy.
·         Iwasang manigarilyo sa loob ng bahay lalo na sa may sofa o sa kama.
·         Siuraduhing may ashtray sa loob ng bahay.
·         Sundin ang "No Smoking" sign
·         Siguraduhing napitpit mabuti ang upos ng sigarilyo bago ito itapon.

4. Mga Kasangkapan at Kagamitang Elektrikal

·         Regular na suriin ang mga elektrikal na instilasyon at hayaang ayusin ng isang lisensyadong electrician ang mga sira at lumang kawad ng kuryente.
·         Huwag kargahan ng labis ang mga electrical circuits sa pamamagitan ng paglagay ng karagdagang ilaw at kasangkapan.
·         Ang mga sirang fuse ay hindi kinakailangang palitan o ihalili ang barya, kable o iba pang klase ng metal.
·         Siguraduhing nakahugot ang plug bago umalis ng bahay, ito din ay isang paraan upang makatipid sa bayad ng kuryente.

5. Kapag nasilaban ang damit

·         Huwag tumakbo. Ang apoy ay mas lalong lalaki dahil sa pagtakbo.
·         Dumapa sa sahig.
·         Magpaikot-ikot habang nakatakip ang mukha upang apulain ang apoy.
·         Ang apoy sa damit ng biktima ay maaring maapula sa pamamagitan ng paggamit ang telang gawa sa lana.

6. Iwasang magtago ng mga madaling lumiyab na materyales tulad ng gasolina, alkohol o pintura sa loob ng bahay.

7. Siguraduhing may pangunahing-lunas na madaling abutin at gamitin.

8. Maglagay ng kopya ng telephone number sa tabi ng telepono ng pinakamalapit na fire department.

9. Itapon ang mga bagay na madaling masunog tulad ng mga hindi na ginagamit na papel at madaling magliyab na materyales.

10. Kapag may sunog, manatiling kalmado at iwasang magitla, sa halip ay umaksyon at gumawa ng nararapat na kilos kapag may sunog.

(grabbed from dzms news online)


-------------------------------------------------------
SOME FIRE SAFETY TIPS WHICH COULD HELP PREVENT A FIRE IN YOUR HOME


·        Eliminate fire hazards through good housekeeping. Dispose waste papers, rubbish, and other flammable materials regularly.

·        Keep matches out of children’s reach.

·        Oil or gas lamps and candles should be placed away from curtains. Put out the flame before going to bed.

·        Do not keep flammable materials like gasoline, alcohol, and paint inside the house.

·        Regularly check your electrical installations, and have frayed wirings and electrical fixtures changed or repaired by a licensed electrician.

·        Do not overload electrical circuits by plugging additional lights and electrical appliances.

·        Blown fuses should not be replaced with wires or any metal.

·        Never leave a lit cigarette/cigar/pipe unattended-it may fall on flammable materials which could start a fire.

·        Always have a handy First-Aid Kit in the house.

 (Source: Bureau of Fire Protection-Sorsogon as part of their re-enforcing public awareness to enhance their readiness in order to minimize the occurrence of fire incidents.)

No comments: