Tuesday, March 26, 2013

Paglabag sa Gun Ban muling naitala sa Sorsogon



Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Marso 26 (PIA) – Apat na kalalakihan ang inaresto ng mga awtoridad matapos na mapatunayang lumabag ito sa Comelec Resoulution No. 9561-A o pagdadala ng baril nang walang pahintulot at inamit pang panakot sa panahong ipinatutupad ang gun ban.

Sa ulat ng Sorsogon Police Provincial Office, agad na rumisponde ang mga awtoridad matapos na matanggap ang ulat na isang Jail Officer ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nakabase sa Brgy Balogo, Sorsogon City Biyernes ang tinutukan ng baril ng apat na suspetsado at isang menor de edad sa Brgy. Penafrancia, lungsod ng Sorsogon matapos na tumanggi ang Jail Officer sa alok ng mga ito na makipag-inuman sa kanila.

Kinilala ang mga suspetsado na si Carlo Malazarte y Pacia- 32 taong gulang, may-asawa at residente ng PNP Compound, Brgy Sampaloc, Sorsogon City; at ang tatlo pa na sina Wilden Carilla y Jamila, 20 taong gulang; Eduardo Lasin y Laureta, 30 taong gulang; at isang magsasaka na si Jomamer Labayane y Quito, 29 taong gulang, lahat binata at pawang residente ng Brgy Peñafrancia, Sorsogon City; habang hindi na pinangalanan pa ang menor de edad.

Nakumpiska mula sa mga ito ang isang Cal. 9mm Perabellum na may serial number  8481 at gawa sa Hungary; 11 bala at isang magazine para sa Cal. 9mm Perabellum at isang Cal. 45 na Toy Gun Replica na may tatak na Colt Double Eagle.orsogon kaugnay ng paglabag dito.

Samantala, patuloy din ang panawagan ng mga awtoridad sa publiko na sumunod sa mga ipinatutupad na batas nang sa gayon ay maiwasang maharap sa mabibigat na mga kaparusahan o suliranin. (BARecebido, PIA Sorsogon)



No comments: