Friday, June 28, 2013

OCD at PDRRMO nagsasagawa ng Emergency Simulation Exercise sa Juban at Irosin



By: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 27 (PIA) – Isang Simulation Emergency Exercise ang isinagawa sa bayan ng Juban, Sorsogon nitong Martes at Miyerkules at ngayong araw hanggang bukas sa bayan ng Irosin ditto sa Sorsogon sa pangunguna ng Office of the Civil Defense Regional Office V sa pakikipagtulungan sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng Sorsogon.

Ipinapakita sa nasabing simulation emergency exercise kung paano nagtutulungan ang iba-ibang kasapi ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC) sa panahong may emerhensya lalo na sa bahagi ng koordinasyon, komunikasyon, pagpapalaganap ng impormasyon, contingency planning at standard operating procedures.

BDRRMC at MDRRMC ng Juban
Ayon kay OCD-NCR Ms. Susan Quiambao ang simulation exercise na ito ay isang mahalagang sangkap upang mapalakas pa ang pagbibigay ng impormasyon at ang komunikasyon at koordinasyon ng mga ahensyang sangkot. Ibinigay niyang halimbawa ang idinudulot na trahedya ng aktibidad ng Bulkang Bulusan sa mga komunidad upang umano’y magtulungan upang mas mapaayos pa ang mga ginagawang paghahanda at pagresponde sa panahong may kalamidad.

Ayon kay Sorsogon Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (SPDRRMO) Field Coordinator Sonia Lariosa, sa ginawang simulation emergency exercise sa Juban, mahigit 80 tao ang nakilahok. Mainit din ang nagging pagtanggap ni outgoing Juban Mayor Jimmy Fragata sa mga kinatawan ng iba-ibang mga departamento ng pamahalaan kabilang na ang Office of Civil Defense (OCD), Department of Interior and Local Government (DILG), Municipal Social Welfare and Development (MSWD), at ang Department of Health (DoH). Naroroon din ang iba’t-ibang mga humanitarian non-government organizations (NGOs) at si Ginang Marg Olson, kinatawan ng United Nations Forest Service.


Ang nasabing simulation exercise ay base sa isang senaryo kung saan pumutok ang Bulkang Bulusan na nasa Alert Level 2. Ang mga kalahok sa aktibidad ay kailangang rumisponde sa pamamagitan ng maayos na pagpapadaloy ng komunikasyon na para bang tunay na nagaganap ang pangyayari.

Ang mga aktibong nakilahok.
Ayon naman kay Mayor Fragata, ang nasabing emergency simulation exercise ay malaking tulong sa mga bayan na pangunahing apektado sa tuwing pumuputok ang Bulkang Bulusan na makapaghanda at mapamahalaan ng maayos ang mga pangyayaring hindi inaasahan, makagawa ng tamang desisyon sa kabila ng pagharap sa emerhensya gamit ang pinakamainam na istratehiya ng komunikasyon at makagawa ng mga inisyatibang makatutulong upang maiwasan ang pagbubuwis ng buhay at pagkawala ng mga ari-arian.

Ang aktibidad ay bahagi ng World Food Programme (WFP) Philippines Disaster Preparedness and Response Project na pinondohan ng United States Agency for International Development Office/Office of Foreign Disaster Assistance. (BARecebido, PIA Sorsogon/larawan:OCD-5)


Sunday, June 23, 2013

Casiguran Elementary School at Bulan National High School panalo sa Provincial Eagle Quiz ng DENR



Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 24 (PIA) –Inanunsyo ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sorsogon Provincial Office ang mga nanalo sa isinagawang Provincial Eagle Quiz noong nakaraang Huwebes, Hunyo 20, 2013 kaugnay ng pagdiriwang ng Environment Month ngayong Hunyo.


Ayon kay DENR Sorsogon Public Information Officer Forester Annabel Barquilla, sa elementary level, nakuha ni Denzel Gabriel D. Manuel at ng tagasanay nito na si Ginoong Romulo De Jesus ng Casiguran Central School ang unang pwesto; pumangalawa si Maral U. Shams Govara ng Sorsogon Pilot Elementary School kung saan si Ginang Rhea J. Olayres ang naging tagasanay nito; habang pumangatlo naman si Joanne D. Embile ng Gubat South Central School, si Ginang Rosalyn E. Hermoso ang naging tagasanay ni Joanne.

Elementary Level
Sa secondary level, kampeon naman si Mikhail Paolo D. Rosil ng Bulan National High School. Kasama ni Mikahil ang tagasanay nito na si Madam Maria Charlene D. Dipad. Nakuha naman ni Joshua O. Aguilar at ng tagasanay nito na si Ginoong Noli F. Alegria ng Jaime Espena High School ang ikalawang pwesto; habang pumangatlo si Christian Dipon ng St. Louise de Marillac School of Bulan. Kasama din niya ang kanyang naging tagasanay na si Ginoong Rex Matthew De Lumen.

Secondary Level
Pawang nakatanggap ng P3,000 cash, certificate at tropeo ang mga kampeon, habang P2,000 cash at sertipiko naman para sa pangalawang pwesto at P1,000 cash at sertipiko para sa pangatlong pwesto.

Ayon kay Forester Barquilla, 20 mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang mga paaralan sa elementarya ng Sorsogon ang lumahok habang 29 naman ang lumahok sa sekundarya.

Lahat ng mga nakakuha ng unang pwesto ang siyang kakatawan sa lalawigan ng Sorsogon at makikipagtagisan para sa Regional Battle of the Eagles na nakatakdang idaos sa Hunyo 27, 2013 sa lungsod ng Legazpi.

Sa mismong araw din ng Hunyo 27 pararangalan ang mananalo sa Regional Battle of the Eagles kasabay sa pagdaraos ng Culminating Activity ng Buwan ng Kalikasan ngayong taon. (BARecebido, PIA Sorsogon)

Sakit sa bato isa pa rin sa pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga Pilipino



Ni: Bennie A. Recebido

LUNGSOD NG SORSOGON, Hunyo 24 (PIA) – Nananatiling kabilang ang sakit sa bato sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas kung kaya’t patuloy din ang adbokasiya ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at ng Philippine Information Agency (PIA) upang maipalam sa publiko ang kahalagahan ng pangangalaga sa bato o kidney hindi lamang ngayong Hunyo kundi sa mga buwan sa buong taon.

Sa impormasyon halaw sa NKTI-Renal Disease Control Program (REDCOP)  mahalagang mabigyan ng pansin ang tamang pangangalaga sa bato lalo na’t karamihan sa mga Pilipino na nakararanas ng malalang sakit sa bato ay hindi nalalamang may sakit na pala sila sapagkat kadalasang hindi natutukoy ng maaaga ang sintomas nito.

Matatandaang dati nang naglabas si dating Pangulong Fidel V. Ramos ng isang atas noong Mayo 13, 1993 na nagdedeklara sa buwan ng Hunyo bilang National Kidney Month upang upang mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng publiko ukol sa sa pangangalaga sa ating mga bato at maiwasan ang magastos na pagpapagamot kapag ang mga ito ay napinsala na.

Ang bato o kidney ay isang mahalagang bahagi ng katawan ng tao sapagkat sinasala nito ang dugo upang maihiwalay at mailabas ang lason sa katawan na nanggagaling sa mga kinakain at iniinom. Ito rin ang nagsasaayos ng lebel ng tubig at electrolytes ng katawan at ang pinagmumulan ng erythropoietin, ang hormone sa katawan na tumutulong sa bone marrow upang makagawa ng red blood cells.

Ang diabetes, pamamaga ng bato at mataas na presyon ng dugo ang mga pangunahing dahilan ng kidney failure sa Pilipinas.

Ayon sa National Kidney and Transplant Institute, sa bawa’t isang milyong Pinoy ay 120 ang sinasabing nasa end stage renal disease o ESRD. Kapag ang pasyente ay idineklara nang end stage, nangangahulugan na hindi na gumagana ang dalawa niyang bato. Hindi na nito kayang linisin ang dumi sa dugo kaya nalalason na ang katawan niya, dahilan upang kailanganin na ng pasyente na sumailalim sa dialysis o kidney transplant.

Makatutulong ang pagkakaroon ng healthy lifestyle para mapangalagaan at maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa bato gaya ng balance diet, regular na pag-eehersisyo, pananatili ng tamang timbang, at pag-iwas sa paninigarilyo. Ang pag-inom ng anim hanggang walong basong tubig araw-araw at ang pag-iwas sa maaalat na pagkain ay makatutulong din. Ipinapayo ding regular ding magpatingin sa duktor lalo na kung mayroong hypertensive, may diabetes at renal failure sa pamilya. (BARecebido, PIA Sorsogon)

JUNE IS NATIONAL KIDNEY MONTH


Mahahalagang Kaalaman ukol sa Pag-iwas sa Sakit sa Bato


     1. REGULAR NA MAG-EHERSISYO – Lalo yaong mga nasa opisina na kadalasang nakaupo na lamang    sa harap ng computer o sa harap ng mga paper works sa buong maghapon.

      2. IWASAN ANG PANINIGARILYO.


      3.   REGULAR NA KUMUNSULTA SA DOKTOR AT SUMAILALIM SA URINALYSIS O PAGPAPA-CHECK NG IHI – Dapat na kahit minsan sa isang taon ay sumailalim sa urinalysis lalo na ang mga kababaihan na madalas nakararanas ng Urinary Track Infection (UTI).

      4.   IWASAN ANG MGA MEDIKASYONG WALANG ABISO NG DOKTOR – Ang mga herbal na iniinom ay mainam lamang kung wala pang sakit ang pasyente, subalit kung nakakaramdam na ng mga sintomas ng sakit ay dapat nang iwasan ito at kumunsulta sa mga awtoridad sa kalusugan.

       5.   UMINOM NG MARAMING TUBIG – walo hanggang sampung baso ng tubig araw-araw (250 ml bawat baso ng tubig)

       6.   REGULAR NA UMINOM NG GAMOT KUNG MAY DIABETES O HYPERTENSION – dapat ding subaybayan ng regular ang blood sugar at blood pressure.

       7.   IPASURI ANG KIDNEY – dapat na masuri ang kidney lalo kung may mga ‘early signs’ na upang maagapan ang mas malubhang karamdaman at malaking gastos.

               (Tips sourced out from NKTI-PIA Press Conference 2012 with Dr. Emmanuel Cabildo as speaker)
                 
             ----- JUNE IS NATIONAL KIDNEY MONTH------

 

Cayetano proposes 3-In-1 solution to address jobless growth



PASAY CITY – Senator Alan Peter Cayetano has proposed a 3-in-1 solution through the development of construction cooperatives and the funding of labor-intensive infrastructure and agricultural projects to be implemented by the said cooperatives as a means to address the problem of jobless growth plaguing the country.

Cayetano explained that these infrastructure projects will include irrigation systems, farm to market roads and the like.

This proposal came after the National Economic Development Authority (NEDA) released a report that revealed that agriculture posted the most significant drop in job generation, pushing the jobless rate up to 7.5 percent in April of this year.

Cayetano pointed out that with 31 percent of Filipinos engaged in agriculture, any decrease in jobs in the sector would translate to a number of lost employment opportunities for the people, especially in the rural areas.

“Thirty-one percent is a big number. And if you look at the poverty incidence report of the National Statistics and Coordination Board (NSCB), you would see that a big percentage of this is among the poorest in the country. Poverty incidence among our fishermen is 41.4 percent, while it is 36.7 percent for our farmers,” he said.

Cayetano explained that in lieu of capital, the government will lend construction equipment and provide construction materials while the labor and entrepreneurship aspect will be provided by the cooperative with the profit distributed to the its members.

“This solution is 3-in-1 because (1) the agricultural sector is given a boost in helping farmers be more productive; (2) more jobs are created in the agricultural sector; and (3) the more jobs that are created because of the labor-intensive nature of agriculture and construction, the more the profits will go to farmers and construction workers and cooperative members instead of to the contractors,” he said.

Cayetano said that in highly urbanized areas, small infrastructure projects can be assigned to such cooperatives such as the construction of basketball courts, waiting sheds, minor building repairs, pathways and the like.

In this light, Cayetano called for the collaboration of the Department of Agriculture (DA), the Department of Public Works and Highways (DPWH), and Cooperative Development Authority (CDA) to pilot such projects nationwide to help the 7.8 percent gross domestic product (GDP) growth trickle down to all poor Filipino families especially in the rural areas. 

“The economy is on the right direction we just have to innovate and intervene to make the trickle down effect faster by creating jobs,” he said as part of his PTK (Presyo, Trabaho, Kita) legislative agenda and commitment to help end the problem of high prices, lack of jobs, and low income plaguing Filipino families at present. (Gelo Villar (0917.803.1918)