Friday, February 11, 2011

News Release

2ND MODULE NG SEMINAR WORKSHOP FOR SPED TEACHERS, IPINAGPATULOY
By: Jun Tumalad

Sorsogon City, (PIA) – Muling sinimulan kahapon ang pagpapatuloy ng Seminar Workshop on Special Education Teachers sa lungsod ng Naga kung saan ito na ngayon ang pangalawang serye.

Matatandaang una nang sinimulan ang first phase ng SPED training for teachers noong Enero21 na nagtagal ng tatlong araw.

Pitong kinatawan mula sa lalawigan ang muling hahasain ukol sa mga istratehiya sa pagtuturo ng mga batang may espesyal na pangangailangan at atensyon.

Apat dito ay mula sa Deped Provincial School Division habang ang tatlo ay   mula sa Sorsogon City Schools Division.

Kabilang sa mga input na ibinigay ay ang speech and language lectures at self-help skills para sa mga batang may edad pitong buwan hanggang anim na taong gulang.

Tampok ang temang “Empowering SPED Teachers for Effective Teaching in the 21st Century, naisakatuparan ang seryeng ito ng regional workshop sa tulong ng Rotary Club of Naga, De La Salle University at local na pamahalaan ng Naga City. (PIA Sorsogon)



No comments: