Tuesday, February 28, 2012

Sangguniang Bayan walang kapangyarihang magpasa ng ordinansang may kaugnayan sa mga delingkwenteng real property tax


Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, Pebrero 28 (PIA) – Matapos ang masusing deliberasyon sa isinagawang  joint committee hearing ng Committee on Rules, Privileges and Amendments at ng Committee on Ways and Means ng Sangguniang Panlalawigan kamakailan, hindi nailusot ang ordinansang magbibigay sana ng tax amnesty o condonation of surcharges, interest at penalty sa delingkwenteng pagbayad ng real property tax dahilan sa pagkakadeklarang null and void o walang bisa nito ng mga kasapi ng komitiba at ng Department of Interior and Local Government (DILG) Sorsogon.

Sa pahayag ng DILG, walang kapangyarihan ang lokal na pamahalaan na ipatupad ang kahalintulad na ordinansa alinsunod sa itinatakda ng Section 232 ng Republic Act 7160.

Nakapaloob din sa Section 276 ng kaparehong batas na magkakaroon lamang ng condonation o pagbabawas sa real property tax at mga interes nito kung sakaling may mga nasirang pananim dito sanhi ng kalamidad.

Dagdag pa ng DILG na ang bayan ng Juban ay isa sa mga component municipality ng lalawigan ng Sorsogon at walang kapangyarihan ang Sangguniang Bayan nito na magpasa ng kahalintulad na ordinansa.

Kaugnay nito agad ring pinadalhan ng abiso ang municipal treasurer ng Juban na hindi ito dapat na ipatupad. Maging ang mga kasapi ng Sangguniang Bayan ay inabisuhan ding huwag nang magpasa pa ng mgakahalintulad na ordinansa nang sa gayon ay hindi kakitaan ng pang-aabuso sa kapangayarihan. (BArecebido, PIA Sorsogon)



No comments: