Monday, March 5, 2012

DPWH-S1DEO may bagong sistema sa pagpaplano ng mga proyekto


Ni: Bennie A. Recebido

Lungsod ng Sorsogon, March 5 (PIA) –Gamit ang bagong sistema ng pagpaplano, sisimulan na ngayong taon 2012 ng Department of Public Works and Highways Sorsogon 1st District Engineering Office (DPWH-S1DEO) ang pagsasabay ng asset preservation at network development sa mga unang bahagi ng kanilang kabuuang proseso ng pagpaplano.

Ayon kay DPWH Sorsogon 1st District Engineer Romeo Doloiras, ang bagong sistemang ito ay nangangahulugan na ang mga aktwal ng proyektong kalsada at tulay ay tutukuyin, pag-aaralan, isasaprayoridad at tatasain sa huling yugto o bahagi ng tinatawag nilang multi-year programming.

Sinabi pa ni Doloiras na bilang engineering at infrastructure arm ng pamahalaan, madato ng DPWH na gumawa ng plano, disenyo, isakatuparan at mantinihin ang mga proyektong pang-imprastruktura ng gobyerno tulad ng flood control, water resources development system, kalsada, tulay, mga gusali ng paaralan at iba pang kahalintulad na proyekto.

Positibo naman si Doloiras na sa bagong sistemang sinusunod ngayon ng DPWH-S1DEO, higit na magagarantiyahan at maktiatiyak ang publiko na maipatutupad nang may pinakamataas na kalidad ang mga proyekto ng pamahalaan. (DPWH-S1DEO/BARecebido, PIA Sorsogon)

No comments: