Ito ang ipinalabas na impormasyon ni 903rd Brigade
Commander Colonel Joselito Kakilala bilang bahagi ng programa ng Armed Forces
of the Philippines (AFP) at ng “Balik-Baril Program” ng pamahalaang nasyunal.
Kaugnay nito, muling nanawagan si Col
Kakilala sa mga tumlikod sa pamahalaan at namundok na magbalik-loob na sa pamahalaan
upang mabigyan ng pagkakataon ang kanilang mga sarili na mamuhay ng normal at
mapayapa kasama ang kanilang mga mahal sa buhay at maging kapaki-pakinabanang
sa komunidad.
Ipinayo din ng opisyal sa mga ito na huwag
nang magdalawang-isip pa bagkus ay agad na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng
barangay o sa 903rd Brigade na nakabase sa Brgy Poblacion, Castilla, Sorsogon,
o di kaya’y magtext o tumawag sa hotline number 09998025021 o kaya sa 31stIB na
nakabase sa Brgy Juban, Sorsogon na may hotline number 09175581317. (Capt
MPPanesa, PA/BARecebido, PIA Sorsogon)
No comments:
Post a Comment